'Kwela-fications'
Lumabas muna ng bahay at ‘Pinas ako
Upang dumalo sa graduation sa NYU
Ng anak kong bunso na si Jio and also,
Nang maiba muna ang paligid ko, pero…
Sino nagsasabing pag nasa bahay ka lang,
Nakaupong waring hari’t nakabuyangyang,
Walang mapapala sa iyong pagtiwangwang
At kung mahina-hina ka baka mabu-ang.
Hindi totoo ‘yat aking napatunayan
Isang araw nung mga linggo na nagdaan,
Habang mga balita ay tinutunghayan
Sa harapan ng TV ako’y nilapitan
Ng anak kong si Jako at napagtanungan
Tungkol Miss Bikini na isang paligsahan,
Sa tanong n’ya pagtawa ko’y ‘di napigilan —
“Sa Miss Bikini kaya ay merong Best in Gown?”
Anak kong ‘yan taglay din pagka Pinoy Henyo,
Op kors ngayon may isa akong Pinoy heNYU,
Sana’y tumanda’t mag-ugaling anghel kayo,
Ngunit pag nag-isip parang may sa demonyo.
Parang lang… malinaw ‘yan at hindi kumpleto,
Magaling magsungay at magsanga sa dulo,
Kumbaga matulis palagi ang buntot n’yo,
Buntot at dulo — punchlines ibig sabihin ko.
Dapat naglalagablab lagi ang dibdib n’yo
Sa pagnanais mag-isip at magtrabaho,
Utak ay may pakpak… magulo’t nanunukso
Nang laging mainit ang pagtanggap sa inyo.
Sandal lang at kwento ko na ay nalubak,
Ipagpatawad po at matindi lang galak,
So, remote control inangat na at naglipat,
Subalit sa isyu ng shoal napatapat… ngak!
Iniwan ko muna ‘yat pumindot ng iba,
Napanuod ko naman ilang kandidata
Na ayaw sa mga transgenders makasama
Sa mga beauty contests ng mga Eba-ba.
At inulit na naman nung isang bisita
Ang tungkol sa “essence of a woman …” sabi n’ya,
“Pagkat kaming mga babae lang talaga
ang pwedeng manganak at ‘di mga baklita!”
Nasabi ko tuloy — ah ganon ba, ganon ba…
Kung ganon nga eh dapat sa susunod pala
Para mapatunayang babae nga sila —
Dapat nanganak nang lahat ang kandidata!
Sa inis pinindot ko na naman ang TV
At isyu sa National Artist naka-ere,
May ilang ewan na naman na nagsisige
Na gawing National Artist ang ilang ate.
Susme! Excuse me, para n’yo nang awa! Pwede?
Tama na ‘yung Narra ang ating National Tree,
Kung yan nga up to now may isyu si Molave,
Eh mga artista pa kayang maarte?
At nitong bandang huli ay may humabol pa —
Na-ombag isang naka-jontis na artista
At sa airport nagrambulan mga kilala,
It’s more PUNCH in the Philippines talaga!
Kung kaya nga ako ay umalis na muna
And here in Nuyok mag-i-start shredding the news ba,
Lahat naman ay may “kwela-fications” baga
At makakakitaan ng nakakatawa.
Basta’t talasan lang mata lalo na tenga
At likas din sa’yo na maghanap ng saya,
Merong sa ganito ay mapalad talaga —
Tuwa’y kumakapit na lang parang talaba.
***
Happy birthday to my youngest son, Jio Sebastiean! And double congratulations, too. He will be graduating with honors from NYU Tisch School of the Arts on May 16 at the Yankee Stadium and on May 18 at the Radio City Music Hall. ’Pag mahal pala ang iskwelahan dito dala-dalawa graduation!
- Latest
- Trending