^

Entertainment

'Resting in a piece of art'

ME, STARZAN - Joey de Leon -

Sa pagpapatuloy ng kwento ko nung Linggo,

After my son had paella na may kuneho,

‘Di naman nagtatalon sa sarap si Jako,

Meron lamang akong natalunan na kwento.

 

Nang sa Museo Reina Sofia’y napunta

Para makita nang harapan ang “Guernica,”

May isang obrang kay ganda ng paalala —

Roberto Jacoby tungkol kay “Che” Guevara.

Sikat na mukha ni “Che” hinalimbawa n’ya

At may mga nakatitik sa karatula

At kung nanamnamin ang katas n’ya talaga —

‘Wag nating kalimutan tunay na laban n’ya.

 

“Un guerillero no muere para que se lo

Cuelgue en la pared”ang nilalaman nito,

May patama’t tampo na isa daw sundalo

‘Di lang namatay upang pandekorasyon n’yo.

 

Si Che kasi’y isa sa pinaka-popular

Na mukha sa T-shirt, sa poster, maging sa bar,

At kung si Jacoby man may munting “pang-asar,”

Sa mga fashionista ay wala ‘yang lugar.

 

Nasirang John Lennon ng Beatles ay isa pa,

Tadtad na rin mukha sa mga kamiseta,

Wala na rin siyang habol kung maninita

Sapagkat wala na rin si John na hininga.

 

Some of the women in my Papa Pepe’s life (seated from left): Maria Jose, Magdalena, Asun, Aurea, Angela (Maria Jose’s), Jocas and Eileen. Standing at the back is Sara (Aurea’s). Seated on the floor is Angela (Aurea’s).

Para sa iba ‘yan lang daw ay pag-alala,

‘Di tulad ng sa ilan na mga buhay pa,

Pero sa T-shirts mukha na’y nakabalandra,

Sila’y mga mandirigma sa pulitika.

 

At nuong isang Martes, Mayo veinte-cuatro,

Nang ako’y dumalaw sa Museo del Prado,

May isang iskulturang natulala ako,

Pinakamatindi nang obrang nakita ko.

 

Nakita ko nang lahat sa mga lakbay ko,

Mga Leonardo Da Vinci’t Michelangelo,

Isama pang lahat pati pinta kung gusto,

Sa lahat na ng nakita ko ito UNO!

 

Ako’y sigurado na marami sa inyo

Ang hindi pamilyar sa obra maestrang ito,

Kaya ang maganda lumipad na lang kayo

Duon sa Madrid at humusga na lang mismo.

 

“Isabella Segunda” aking sinasabi,

Inukit ng isang Camilo Torreggiani,

Busto ng isang nakalambong na babae,

Mabuting ang mata n’yo na lang ang magsabi.

 

Masasabi kong ang paglalakbay na ito,

Punong-puno ng arte’t sining sa totoo,

May gabing nagta-tapas habang may flamenco,

Pero ang panalo ang nitso ng tatay ko!

 

 Tama’t exactamente ang nabasa ninyo,

Porque ang mi Papa ay nakalibing dito,

At nang dinalaw ko sa kanyang sementeryo,

Imbes na mag-seryo ay napatawa ako.

 

At bakit naman hindi pagkat nakita ko

May mga bulaklak nakapintang disenyo,

Sa totoo lang cute na cute lumabas ito,

Bagay din sa kanya’t ibang klase erpats ko.

 

Kunsabagay ‘di naman n’ya utos siguro,

Bunso n’yang si Beatriz ang dumiskarte nito

Kaiba rin ang utak ng utol ko dito,

I say — isa s’yang Kastilaloy — Pinoy henyo!

ANGELA

AUREA

CAMILO TORREGGIANI

ISABELLA SEGUNDA

JOCAS AND EILEEN

JOHN LENNON

MARIA JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with