^

Entertainment

Of shoes & issues

ME, STARZAN - Joey de Leon -

W Hotel, Kowloon — Before my TARAN-TULA SPECIAL, I would like to invite everyone to watch tonight’s episode of GMA 7’s Mel & Joey, featuring the very shocking predictions of our guest fortune-teller, psychic and astrologer for the year 2009.  

At narito na ngayon ang aking TARAN-TULA — Tula para sa mga nakakatarantang pangyayari’t palabas at ilang katarantaduhan nitong matatapos na taon.

HUDAS, HESTAS, DIMAS, ISA MUNANG PATALASTAS:

ANG ISKUL BUKOL THE MOVIE PA PO AY PALABAS!

ANG SYOTA MO PARE ISINE MO AT ILABAS,

PAGDATING SA LOOB, WALA KA NANG ILALABAS.

KUNSABAGAY, DI USO NGAYON ANG SINIGUELAS;

PWEDE MO LANG IPAMPALIT ISANG SUPOT NA UBAS,

SA MGA NALILITO SA AKING BINIBIGKAS,

MAGTANONG NA LANG SA TATAY N’YONG MAY NAKALIPAS.

SA TAONG ITO, BAGO ANG DISYEMBRE MAGWAKAS,

IBA’T-IBANG TAO, IBA’T-IBA ANG NILABAS —

U.P. FRAT MULING NILABAS KANILANG BARABAS,

NAGHUBO’T NAGHUBAD, KITA LAHAT PATI BALBAS!

GINAWA RAW ITO PARA KALIKASA’Y ILIGTAS,

HABANG LABAS ANG TINIK, NAMIGAY PA NG ROSAS,

NASAAN NAMAN D’YAN ANG LAYUNING ITINAAS?

EH ANG DAMING BULAKLAK INYONG PINAGPIPITAS.

BIRO LANG MGA PARE, NOW LET’S SEE WHAT THE GIRLS SAID,

I ASKED ONE IF SHE GOT APO’S ENVIRONMENT MESSAGE,

ANG SABI NG ISANG CHICK ABOUT EIGHTEEN LANG ANG AGE,

“SORRY, I FORGOT THEIR MESSAGE WHEN I SAW THEIR SAUSAGE!”

MAHIRAP DIN BA ANG MAG-OBLATION RUN MGA BROD?

I HAVE JUST ONE QUESTION: “HONESTLY, IS IT VERY HARD?”

ABA, AT MAY SUMAGOT SA AKIN AGAD-AGAD,

“SA DAMI NG TAO, JOEY, IT’S NEVER VERY HARD!”

H H H

DUMAKO NAMAN TAYO SA ISA PANG NAGLABAS

NG GALIT O PAGKAPIKON AT NAPABULALAS;

NAGMURA ANG ISANG SUMUSULAT NG BATAS,

“PROSTITUTANG NANAY” YATA ANG KANYANG NABIGKAS.

OKAY LANG MAGWALA, WAG LANG SA HARAP NG BATA —

YAN ANG TURO SA ATIN NG MGA MATATANDA,

MGA TAONG MAHIRAP, NAG-ARAL HINDI PA NGA,

MAY KAYA AT LAKAS LANG BA ANG PWEDENG GUMAWA?

SA NANGYARING RALLY, MERON PA NGANG MAS MALALA:

PAGMUMURA’Y HINDI PA NGA SA HARAP NG BATA,

SA HALIP SA HARAP NG PARI’T MADRENG TULALA,

SO, PWEDE NA: “HOY SISTER, ANG SEXY MO! NAMPUCHA!”

ANO KAYA TALAGA’NG NASABI NG MGA SIS?

TAYO AY MAG-SURVEY NA PARANG SWS,

ANG MURA KAYANG ‘YON SA KANILA AY “NO MALICE”?

SANA PO’Y I-REPORT NI KORINA SA ABS.

H H H

SA SHOWBIZ NAMAN AY MERON DING MGA NAGLABAS —

ISANG NAGLABAS NG NGITI SA ISANG PALABAS;

ISANG NGITING MAKAHULUGAN NA WARI’Y BUMUTAS

SA DIBDIB NI DYESEBEL NA LUHA ANG NILABAS.

SA PUSO KASI NG KAIBIGAN KONG BINATA,

MAY “KARYLLEBO” NA ANG NGUMINGITING DIWATA,

SA TANONG KUNG BUNTIS NGA’Y HINDI S’YA NAGSALITA,

PARANG MAY LAMAN — ANG ISA BA’Y MAY LAMANG BATA?

HABANG SINUSULAT KO ANG TARAN-TULANG ITO,

DI KO NA ALAM KUNG ANO’NG MANGYAYARI DITO,

NGUNIT ISA LANG ANG MATUNOG SA PALAGAY KO —

MUKHANG MATUTULUYAN SI MARIMAR AT SERGIO.

AT BAKIT NGA BA, AT ANO NAMANG BASEHAN KO?

HINUGOT BA SA TADYANG N’YA ANG BABAENG ITO?

TUNOG KASI NG PANGALAN, SILA’Y MAGKA-DUETO,

ISANG MAY DYESE-BELL, DUMIDING-DONG, DING-DONG ITO!

AT SA HULING SERYE KUNG SAAN SILA NAGSALO,

MAY RELASYON PA RIN PANGALAN NG MGA ITO,

ANG BABAENG ISDA SA PARTNER NIYA’Y SAKTONG-SAKTO —

HINDI BA ANG FREDO AY KATUNOG DIN NG PRITO?

PABAYAAN NA LANG SILA, WAG TAYONG TSISMOSO,

NAKAGUHIT NA LAHAT MANGYAYARI SA MUNDO,

PAGLIPAT NG TAON LALABAS DIN ANG GUSTO N’YO —

DADAMI ANG ISDA KUNG ITO MAN AY TOTOO.

* * *

AT SA HULING PAGLABAS NI U.S. PRESIDENT BUSH

DOON SA MAY IRAQ, NA-AMBUSH S’YA NG SAPATOS,

IMBES NA SA TUKTOK, BUMABA ANG INIT SA TOES,

AT PARA MAKARAOS, SI GEORGE BUSH AY BINASTOS.

DAHIL SA NANGYARI, HUMANGA AKO NANG LUBOS

BECAUSE DI S’YA NAG-PANIC, NAG-JOKE PA PAGKATAPOS,

AT KUNG ANG IBA ANG TINGIN SA KANYA AY KAPOS,

DAHIL SA SENSE OF HUMOR N’YA, OKAY SA AKIN SI BOSS!

AT HINDI S’YA NAGTAGO SA ILALIM NG MESA,

NGUMITI LAMANG, PARANG WALANG NANGYARI BAGA,

HINDI S’YA NAGMURA; PAG-ILAG, BALIK SA PORMA,

YAN ANG LALAKE AT TUNAY NA KOBOY TALAGA.

TIYAK MAY MGA MAAASAR SA ‘KIN D’YANG IBA,

MGA P’RE, WALA AKONG HILIG SA PULITIKA,

MGA PANANAW KO SA MGA LIDER AT BIDA,

HINDI ANG POSISYON KUNDI PAGKATAO NILA.

MGA BANAT NI BUSH, ASIWA MINSAN TALAGA,

HINDI KASI UMAARTE; KUNG ANO S’YA, YUN S’YA,

NANDUNG NAGSASAYAW, INGLES NGA MALI-MALI PA,

YAN ANG MASA, KAYA SA’KIN S’YA AY KWELANG-KWELA.

MAAARING SI BUSH AY HINDI N’YO KURSUNADA

DAHIL SA ILANG DESISYON AT ATAKE NIYA,

DI RIN NAMAN AKO SANG-AYON DOON SA IBA,

‘SENSYA NA SER, DOON NA AKO SA NAKAKATAWA.

DI KA NA NGA NAKAKATUWA, EH BWISIT KA PA,

SAME-SAME DIN NAMAN ANG INYONG MGA PLATAPORMA,

KAYA DAPAT LANG SISTEMA NATI’Y PALITAN NA,

AND GUESS WHAT? SI GEORGE BUSH ANG AKING IKAKAMPANYA!

HUDAS, HESTAS, DIMAS, MGA PARE MAGHANDA NA,

MERON NA TAYONG PRIME MINISTER AFTER THE CHA-CHA,

TUNAY NA KAPU-SHOE S’YA AT HINDI SAPATILYA,

ANG ATING PARTIDO? NATURAL, NA-SHOE-NALISTA!

AT DAHIL SA NANGYARING BATUHAN SA MAY BAGHDAD,

THE CITY OF BAGHDAD AY ISA NA NGAYONG “SHOE-DAD,”

AT SA NAGTATANONG KUNG TERRORIST DIN SI KUMAG,

HINDI! DAHIL NAMBALIBAG... “THROW-RIST” LANG ANG TAWAG!

* * *

LALABAS NA NGA PALA ANG LUMANG TAONG ITO,

BAGONG TAON NA PAGSULAT KO SA ISANG LINGGO,

KAYA NGAYON PA LANG BABATI NA AKO SA INYO —

HAPPY NEW YEAR! MAS TUMALINO SANA ANG TAO!

ISANG

LANG

MDASH

W HOTEL

Y I

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with