^

Dr. Love

Itinatago ang anak dahil sa ‘afam’

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa wakas ay nagkaroon na ng “afam” ang ate ko, pero ang siste, ang pakilala niya sa anak niya ay pamangkin. Dahil ayaw raw ng afam na may anak ang babaeng pakakasalan niya. Kaya habang nandito ang afam ay nasa akin muna ang 5 years old kong pamangkin. Kahit pa binibigyan ako ng P20K ng ate ako ay hindi ako sang-ayon sa pagsisinungaling niya. Dahil kahit anong tago niya ay lalabas din ang katotohanan na may anak na siya. At ‘di ba kung totoong mahal ka ng afam ay tatanggapin niya ang buong pagkatao mo? Ano ba ang paliwanag na dapat kong sabihin sa ate ko para magising siya sa katotohanan.

Bel

 

Dear Bel,

Mabuti at hindi ka sang-ayon sa pagsisinu-
ngaling ng ate mo. Kahit pa kapalit nito ay green card o magandang future niya. Pero sabi mo nga, lalabas din ang totoo. Maaaring iniisip ng ate mo ang future niya na makarating sa ibang bansa, pero paano naman ang anak niya? Ipagdasal natin na maintindihan ng ate mo ang mga posibleng mangyari sa kanyang desisyon. Patuloy mo pa rin siyang paalalahan, upang hindi siya tuluyang maligaw ng landas at masilaw sa afam.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with