^

Dr. Love

Praning na girlfriend

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mula high school pa lang ay magkarelasyon na kami ng girlfriend ko, hanggang ngayon working na kami pareho. Hindi naman perfect ang relasyon namin. May times na may misunderstanding pero hindi naman nawawala ang joy at love para sa bawat isa.

Nga lang ang isang consistent na obserbasyon ko sa girlfriend ko ay possessive siya noon, hanggang ngayon.

Nung mga unang taon namin, aminado ako na talagang umaalma nang malala ang kalooban ko. Biruin mo ba naman, lahat ng mga ginagawa at pinupuntahan ko kailangan naka-report sa kanya.

Ang weird lang sa pakiramdam, dahil lalaki ako. Kahit pa alam ko na mahal niya ako, sa maraming pagkataon na umaandar ang pagka-possesive niya, i don’t feel I am love. Mas nangingibabaw ang tanong sa isip ko, mahal pa ba kung walang tiwala?

Mahal ko ang girlfriend ko, pero bakit ba lahat ng mga babae ay may trust issue. Alam mo, Dr. Love may plano na kaming magpa-kasal sa susunod na taon.

Hindi ko maiwasang humagip sa isip ko ang tanong na baka forever na siyang possessive at paano ang peace of mind ko?

Ano ba ang dapat kong gawin para ku-malma ang praning kong girlfriend?

Kent

Dear Kent,

Ang pagiging possessive ay madalas ugat ng trust issues, at hindi ito awtomatikong katangian ng lahat ng babae—kumbaga, hindi kasarian ang problema kundi ang personal na insecurities o karanasan ng tao.

Kausapin mo siya nang mahinahon. Sabihin mo na mahal mo siya, pero kailangan mo rin ng personal na espasyo.

Ipaliwanag na ang tiwala ay pundasyon ng relasyon, lalo na’t papunta na kayo sa kasal. Bigyan mo siya ng kumpiyansa.

Minsan, ang simpleng “nandito lang ako para sa’yo” ay nakakatulong para kumalma ang takot niya. Kung hindi pa rin nababawasan ang pagiging praning, baka makakatulong ang professional counseling. Hindi ito kahinaan, kundi paraan para mas tumibay ang relasyon.

Magself-reflect ka rin. Tanungin mo rin ang sarili kung may mga bagay ba sa kilos mo na hindi mo namamalayan na nagti-trigger ng insecurities niya? Kung meron, baka puwede mong baguhin.

Dr. Love

KENT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with