^

PSN Palaro

Bossing binundol ng Road Warriors

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumolekta si Robert Bolick ng 24 points, 11 assists at 9 rebounds sa 104-87 paggupo ng NLEX sa Blackwater sa PBA Season 49 Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Halos makumpleto ni Bolick ang unang triple-double sa torneo kundi lamang hinablot ni import Myke Henry ang pang-10 rebound sana ni Bolick.

“Wala naman masaya lang na nanalo. Iyong fourth quarter lang. Ayan na naman kami iyong nagle-letdown lagi. Dapat baguhin na namin iyon,” ani Bolick.

Ang tinutukoy ni Bolick ay ang pagtatayo ng Road Warriors ng 26-point lead sa third quarter na naputol ng Bossing sa 83-94 sa huling 2:19 minuto ng fourth period.

“Kapag ganoon dapat kill mode na kaagad. Hindi kami mag-relax tapos papabalikin lang (iyong kalaban). Sayang iyong pinaghirapan namin,” sabi ng star guard.

Ang three-point shot ni rookie Richie Rodger sa huling 1:35 minuto ang muling naglayo sa NLEX sa 97-83 patungo sa pag­huhulog sa Blackwater sa 0-2 record.

Umiskor si Henry ng 31 points para sa Road Warriors at may 12 markers si Robbie Herndon.

Umiskor si Christian David at Troy Rosario ng tig-17 points sa panig ng Bossing kasunod ang 16 markers ni No. 2 overall pick Sedrick Barefield.

Samantala, muling kinuha ng NorthPort (0-1) si Australian import Venky Jois para palitan si Taylor Johns para sa kanilang pagsagupa sa Terrafirma (0-1) ngayong alas-5 ng hapon sa Big Dome.

Sa ikalawang laro sa alas-7:30 ng gabi ay magkikita ang Converge (1-0) at Magnolia (0-1).

Umiskor ang FiberXers ng 127-95 panalo sa Dyip, samantalang nakalasap ang Hotshots ng 94-99 talo sa Meralco Bolts sa kanilang mga unang laro.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with