^

Dr. Love

Nasagad na si Misis

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Abot langit ang pagsisisi ko sa lahat ng mga kasalanan ko sa aking asawa na si Inez. Tawagin mo na lang akong Ken, 42 anyos at hindi ko na mabilang kung ilang ulit na akong nagtaksil sa aking asawa.

Pero sa bawat paghingi ko ng tawad ay binibigyan niya ako ng second chance. 

Ganyan siya kamartir sa kabila ng mga dagok na dinudulot ko sa kanya at sa dalawa naming anak.

Iniiwanan ko lagi sila, minsa’y umaabot ng isang taon pero bumabalik ako at humihingi ng tawad at nagkakasundo kaming muli. Pero nitong huli kong pagloloko, nangangamba ako kung babalikan ko pa siya. Malamang, hindi na niya ako patawarin. 

Kasi sabi niya noon, ‘yun na ang huling pagkakataon na patatawarin niya ako. Sagad na raw siya.

Ano gagawin ko?

Ken

Dear Ken,

Mahirap sagutin ang tanong kung patatawarin ka pa niya o hindi na. Dapat subukan mo muna. Kung ‘di ka niya mapapatawad pa, may dahilan naman siya dahil paulit-ulit ang iyong kataksilan. At kung patatawarin ka niya uli, makasisiguro ba siya na hindi ka na uulit?

Basta lumapit ka sa kanya at sumumpang di na uulit pero siguruhin mong tutupad ka sa pangako, kung patatawarin ka pa niya.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with