Magtulungan, kaysa magsisihan
Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang akong Analie. Dumaan kami sa matinding pagsubok ng bf ko. Mabuti at napayuhan ninyo ako agad. Ilang beses kasi niya ako sinsaktan dahil lang sa mabagal akong kumilos at lagi raw siyang napapahamak dahil sa akin. Muntik na kaming magkahiwalay dahil sa ginawa niya sa akin.
Nagalit siya at sinigawan ako. Kahit nasa loob kami ng bahay nila, dinig nadinig ng mga kapitbahay kaya umalis akong umiiyak.
Sinunod ko naman ang mga payo ninyo. Ang pinaka nagustuhan ko ay ‘yung lagi dapat akong maging maagap at alamin ang mga susunod na sked ng bf ko. Nagkausap na rin kami sa individual differences namin. Nagkasundo kami na imbes na magsisihan kami ay magtulungan na lamang.
Ganun nga ang ginawa ko. Masaya naman kami ngayon. Kahit may problema ay nagtutulungan na kami.
Sinabi ko rin sa kanya ang mga ayaw at gusto ko.
Analie
Dear Analie,
Masaya ako para sa inyo. Kasama naman talaga ang hindi pagkakaunawaan sa isang relationship. Tandaan mo na marami pa kayong madidiskubre kapag mag-asawa na kayo.
Mainam naman na mas nakikilala ninyo ang isa’t isa.
Dapat talaga matiyaga at malawak ang pangunawa ninyong dalawa para maayos ninyo ang mga pagsubok na inyong nararanasan.
DR. LOVE
- Latest