^

Dr. Love

Hindi pa rin makalimot

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang akong Bino, 29 years old.

Ilang taon na rin ang lumipas mula nang magkahiwalay kami ng aking ex girlfriend. May ibang nagmamay-ari na sa kanyang puso at sa mga nababalitaan ko ay masaya siya sa piling ng bago niyang karelasyon.

May closure naman kami. Kaya lang ang hindi ko maintindihan sa aking sarili ay kung bakit nakakulong pa rin ang diwa ko sa kanya. Hindi ko pa rin matanggap na hindi na siya akin at hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko ng matindi kung bakit nakipag-break ako sa kanya.

Kung bakit ba naman na ngayon ko lang nakita ang kanyang halaga sa buhay ko.

Ang dahilan ng break up namin, sinabi ko na aayusin ko muna ang sarili ko at ang mga personal kong problema.  Akala ko, okay lang sa kanya at hihintayin niyang maging ok ang lahat sa akin. Ayoko kasi na mamroblema din siya sa problema ko.

Sana pala nakinig ako sa kanya nang sabihin niyang magkasama naming lalampasan ang mga problema. Pero inunahan ako ng hiya o sa isang banda ay naging makasarili dahil binalewala ko siya.

Hindi ko matanggap ang mga pangyayari at talagang nangungulila ko sa kanya. Sobrang sakit lang, Dr. Love. Napapahagulgol ako na gaya ng isang bata, lalo na kung nakikita ang mga bagay an nakakapagpaalala sa’kin ng tungkol sa kanya. Para na akong mababaliw sa sakit.

Alam ko na nag-aalala na ng husto ang pamil-ya ko sa akin, kaya humihingi na sila ng tuloy para kausapin ako ng aking mga kaibigan. Pero dahil ganito pa rin ako ay nagsasawa na sila magpaliwanag sa’kin.

Dr. Love, sinusubukan ko naman lumaban. Dumating na sa puntong humingi ako ng pansamantalang kalimot sa tulong ng alak, pero nalulon lang ako. Nag-try rin ako maghanap ng iba, pero lagi ko lang nakukumpara sa ex ko at nauuwi lang sa wala.

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Pagpayuhan po ninyo ako.

Bino

Dear Bino,

Ang unang tulong na kailangan mo ay manggagaling sa iyong sarili. Dahil nasa sa’yong pagpapasya lang kung gugustuhin mo nang makalaya sa iyong nakaraan.

Huwag mong sayangin ang buhay dahil sa minsang kabiguan. Nangyari na ang nangyari, ayusin mo ang iyong sarili. Alalahanin mo na noon ay hindi mo pa kilala ang ex mo, ok ka naman na wala siya, bakit hindi mo ‘yun magagawa ngayon?

Magdesisyon ka na at piliing bumalik sa normal ang iyong buhay.

Kung dumating naman ang bagong pag-ibig, huwag mo nang balikan ang anino ng dati mong karelasyon. Higit sa lahat, hingin mo ang tulong ng Maykapal para magtuloy-tuloy ang recovery mo. Natitiyak ko na may nakakahigit na karapat-dapat sa iyong pagmamahal.

DR. LOVE

BINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with