^

Dr. Love

Inaakalang under de saya ang anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Rodskie. “Hindi ibig sabihin na wala kang trabaho eh sunod ka na lang nang sunod sa asawa mo na parang robot”. Ito ang bukang-bibig ni tatay kapag nagkikita kami.

Hindi naman ganun na parang robot. Sinusunod ko lang ang asawa ko kasi mahal ko siya. Alam kong nag-aalala lang si tatay baka nagiging under de saya na ako.

Matapang kasi si tatay. Lahat kami tikom ang bibig at yuko ang leeg kapag pinanga-ngaralan niya kami. Isang sitsit lang ni tatay, takbo agad kami sa bahay at bawal na bawal ang amoy pawis.

Kaya naman lumaki kami ng may disiplina. Ayaw niya na mapapahiya ako ng asawa ko sa harap ng aming mga anak. Gusto niya na galangin din ako ng aking mga anak tulad ng pagtrato namin sa kanya.

Sinabi ko naman sa kanya na mahal naman ako ng asawa ko. Mahal niya ako kahit siya ang naghahanapbuhay sa amin.

Pilitin ko mang maghanapbuhay hindi na pwede. May sakit ako sa vascular, sa mara-ming mga kasu-kasuan. Ang neurocognitive disorder ay nangyayari at bilang resulta ay pinsala sa mga daluyan na nagbibigay ng dugo sa utak.

Medyo magaling na ako, kaso hindi na ako maaaring magkapagtrabaho tulad ng dati. Kaya kung magagalit man ako sa misis ko, hindi na niya ako pinapatulan. Wala naman akong hina-hangad pa kundi ang mapagsilbihan ko ang aking asawa’t anak.

Mabuti na nga lang at buhay pa ako. Salamat, natapos ko rin itong kwento ko.

Rodskie

Dear Rodskie,

Salamat sa effort, alam kong mahirap para sa iyo ang mag-type pero nakapagbahagi ka sa amin ng isang magandang kwento ng buhay.

Mapalad ka at may asawa kang umiintindi sa’yo. May mga taong may sakit pero napapabayan.

Kung anuman ang mga sinasabi ng mga taong nasa paligid mo, huwag mong mamasamain.

Isipin mo na kaya sila nakapagsasalita dahil may malasakit sila sa iyo, lalo na ang tatay mo. Huwag mong isipin na wala kang silbi dahil wala kang trabaho. May awa ang Diyos lalo na sa tulad mong masunurin, hindi lang sa ama kundi maging sa iyong minamahal na asawa.

DR. LOVE

vuukle comment

ROBOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with