^

Dr. Love

Nanghihinayang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagkatotoo sa akin ang kasabihan na kung kailan nawala ay doon mo malalaman ang halaga. Panghinayangan ko man habang buhay ay sadyang malabo nang maibalik ang dating pagmamahalan namin ng girlfriend ko.

Sinisisi ko po ang kakitiran ng isip ko pagda­ting sa pagpapasya. Hindi ko binigyang konsi­derasyon ang panig ng aking ina nang sabihin niyang vocational na kurso na lamang ang kunin ko dahil kapos sila para sa four years course.

Ayun, nagrebelde ako at bumarkada. Pinaalalahanan na ako ni Linda pero binalewala ko. Inaya ko siyang magtanan pero mabilis niya itong tinanggihan at nakipag-break siya sa akin.

Dito na tuluyang nadiskaril ang buhay ko. Napasama ako sa illegal na aktibidad ng barkada, robbery hold-up at pagdadala ng droga sa mga bumibili nito. Kaya kulungan ang kinabagsakan ko. 

Ginagawa kong inspirasyon ang pamilya ko habang nandito ako sa loob at nagsisikap din na makatapos kahit vocational course. 

Maraming salamat po sa pagbibigay daan ninyo sa sulat ko at nawa’y may natutunan ang mga mambabasa ninyo.

Jun

Dear Jun,

Nangyari na ang nangyari, bagay na hindi na natin maibabalik. Pero hindi pa naman huli ang lahat hangga’t may bagong umaga pa tayong nararanasan.

Kaya ituluy-tuloy mo lang ang pagpapakabuti at ang pag-aaral mo dyan sa loob. Lagi mo sanang tandaan na may mabuti plano ang Diyos para sa ating lahat.

Kaya huwag ka sanang makalimot na tumawag sa kanya para may gabay ka sa iyong muling pagbangon.

DR. LOVE       

    

NANGHIHINAYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with