^

Dr. Love

Naghahanap ng bonding

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa sobrang busy ng mister ko nagkakapatong patong na ang mga dapat niyang gawin, kaya ang anak namin ay nagtatampo na dahil minsan na lang kami magkaroon ng bonding. Mabuti pa raw noong bata siya, masaya kami at laging kumakain sa labas.

Ang sabi ko na lang sa kanya, antayin lang niya kapag may time na ang papa niya.

Natatakot nga ako dahil senior high na ang anak namin baka makaisip na umalis at sumama sa mga kabarkada niya eh, nag-iisang anak.

Marie

Dear Marie,

Hindi kailangang maghintay ng mahabang oras para maka-bonding ang anak mo.

Kahit sa maikling panahon tulad ng sabay-sabay na pagkain ng almusal o dinner, gamitin ang pagkakataon para mag-usap.

Tulungan ang anak mong maunawaan na ang pagiging abala ng papa niya ay hindi nangangahulugang nawawala ang pagmamahal nito.

Maaaring ipaliwanag na ang pagsisikap ng ama ay para rin sa ikabubuti ng pamilya.

Ang pagtatampo ng anak mo ay maaaring isang paraan ng pagpapahayag ng kanyang damdamin.

Subukang kausapin siya ng masinsinan para maipahayag niya ang nararamdaman niya.

Makinig nang walang panghuhusga at bigyan siya ng tiwala na naiintindihan mo ang sitwasyon niya.

Habang lumalaki, natural na mas magi-ging malapit ang anak mo sa mga kaibigan niya.

Ngunit mahala-gang bigyan siya ng gabay tungkol sa tamang pagpili ng kaibigan.

Maging bukas sa mga kwento niya tungkol sa kanyang mga kaibigan upang malaman mo ang kanilang impluwensya.

Kahit abala, subukang maglaan ng isang araw sa isang linggo o buwan para lang sa pamilya.

Pwedeng ito ay simpleng dinner date o outing.

Ang mahalaga, ramdam ng anak mo na espesyal pa rin siya sa pamilya.

Huwag kang masyadong mag-alala. Sa pagiging bukas, maalalahanin, at mapagmahal, mas magiging matatag ang inyong samahan bilang pamilya.

Ang mahalaga ay ipakita mo na nandyan ka palagi para sa anak mo, anuman ang mangyari.

DR. LOVE

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with