^

Dr. Love

Love is blind

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Mauro, 24 anyos at isang medical representative. Marami na akong naging kasintahan. Magaganda at may kaya.

Pero hindi ko maunawaan ang sarili ko kung bakit ang girlfriend ko ngayon ay isang pinagkaitan ng paningin. Anim na buwan na kami ngayon. Isa siyang bulag mula pa noong siya ay bata dahil dinapuan daw siya ng typhoid fever.

Pero hindi halata sa anyo niya na siya ay bulag dahil buo naman ang kanyang eyeballs hindi nga lang nakakakita.  Nakilala ko siya dahil siya ang tumatao sa kanilang grocery sa isang bayan sa Cebu na isa sa mga lugar na pinagdestinuhan ko.

Nabatid ito ng aking mga magulang at sinabing hindi sila nanghihimasok sa akin pero pag-isipan ko raw mabuti at baka magsisi ako balang araw.

Pero sa sarili ko ay wala akong kaduda-duda na siya ang babaeng pakakasalan ko. Matalas ang kanyang pakiramdam at kung maglakad sa loob ng bahay nila ay parang normal.  Sabi niya, nakakabanaag lang siya ng mga anino at nasanay na siya sa ganoong sitwasyon.

Sa palagay mo ba ay dapat ko siyang tuluyan?

Gumagalang,

Mauro

 

Dear Mauro,

Ikaw ang nakakatalos ng iyong damdamin. Kung mahal mo siya, nasa tamang edad ka na para magpasya para sa sarili mo.

Palagay ko rin, may pag-asa pa para maibalik ang kanyang paningin lalo pa’t may nababanaagan pa siya sa kanyang paningin.

Ikonsulta mo siya sa eye specialist. Sige lang Mauro. Go for it kung talagang mahal mo siya.

Dr. Love

 

CEBU

DEAR MAURO

DR. LOVE

GUMAGALANG

IKAW

IKONSULTA

ISA

MAURO

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with