Confessed gay ang utol
Dear Dr. Love,
Itago mo na lang ako sa pangalang Richard, 24 years old, panganay sa tatlong magkakapatid na lalaki. Ang problema ko po ay ang kapatid kong si Del na 15 anyos. Nagtapat siya sa mga magulang namin na isa siyang gay.
Sabi ni daddy na maaaring napagkakamalan lang ni Del ang sarili niya na gay, dahil puro gay ang nakakasama niya. Dapat mabago anya ang barkada ng kapatid ko, sabi ni mommy. Kaya ipinakiusap nila sa akin na isama ko lagi ang kapatid kong ‘to sa mga lakad ko.
Pero hindi ang mga babaeng ipinakikilala ko sa kanya ang naa-appreciate niya kundi ang mga kapatid ng mga ito na lalaki. Marami rin ang natutuwa sa kanya dahil hindi nauubusan ng kwento, lalo na ang tungkol sa mga artista.
Sabi pa ng mga girl friends na ipinakilala ko sa kanya, wala raw dull moment kapag kasama si Del dahil masaya siya. Ako ngayon ang nagkaproblema dahil sa halip na mapalapit sa nililigawan ko ay inilalayo na siya ng parents niya pati ang kapatid niyang lalaki sa takot na makursunadahan ni Del.
Suko na ako, Dr. Love. Pero hindi ang mga parents ko. Kailangan lang daw ay ma-realize ni Del na lalaki siya. Ano po ang mabuting gawin?
Gumagalang,
Richard
Dear Richard,
Isang malinaw na factor sa pagkakaroon ng homosexual preferences ng isang tao ay ang pagka-expose sa environment na meron nito. Kung oobserbahan wala talagang specific na paraan, seminar o kahit ano pa na pwedeng makapagpapabago sa mga ganitong kaso.
Pero sa maraming pagkakataon, may mga dating may homosexual preferences na nagbago matapos makakilala at tumanggap kay Hesus bilang Panginoon ang namumuhay na sa natural at tunay na kasariang itinakda sa kanila ng Maykapal.
Ito ang maipapayo ko, sikapin ninyong mai-expose ang kapatid ninyo Salita ng Dios dahil tanging Siya lang ang nakapagpapabago sa puso ng sino man sa Kanyang mga nilikha.
DR. LOVE
- Latest