Mailap ang kapalaran
Dear Dr. Love,
Malugod akong bumabati sa inyo at sa lahat ng tagasubaybay ng Dr. Love.
Ako po si Argee, 25-anyos at huwag mo nang sabihin ang buo kong pangalan. Sa tingin ko, dahil mababa lang ang natapos ko ay mailap ang dating ng magandang kapalaran sa akin.
Isa lamang po akong buko vendor dahil wala naman akong espesyal na kakayahan at mababa lang ang natapos ko. Magbalat lang at magbiyak ng buko ang alam ko dahil ito’y minana ko pa sa aking yumaong tatay. Nakaabot lang ako ng first years sa high school na hindi ko pa natapos dahil sa kahirapan. Hindi rin ako guwapo kaya minsan lang ako nagka-girlfriend at hindi na nasundan nang mag-break kami.
Halos kulang pa sa pang-araw-araw na pangangailangan ng aking pamilya ang kinikita ko.
Gusto ko talagang makapagtapos pero wala na akong panahon dahil kailangang trabaho ang atupagin. May sakit at mahina na ang nanay ko at may kapatid pa akong may polio. Hindi rin ako makapag-asawa dahil ayokong magutom ang sarili kong pamilya.
May pag-asa pa ba ang buhay ko?
Argee
Dear Argee,
Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Iyan ay isang kasabihan na totoo sa maraming tao. Marami akong kakilalang no read, no write pero umasenso sa pagnenegosyo. Kasi mayroon silang pagnanasa at determinasyong umasenso.
Kung ipagmumukmok mo lang ang kalaÂgayan mo imbes na mag-isip ng paraan para mahango ka sa hirap, wala ka talagang maÂaÂabot.
Maraming short-term courses diyan na puwede mong pasukan at ‘yung ibang inaÂalok ng gobyerno ay libre pa. Ni hindi mo kaÂilangang mag-full time sa pag-aaral at puÂwede mong i-schedule ang oras sa pag-aaral at trabaho.
Sa gulang mong 25, ilang taon na lang at talagang alangan na para sa iyo ang mag-aral kaya habang medyo bata ka pa ay gawin mo na.
Dr. Love
- Latest