Mahal pero nakikipagkalas?
Dear Dr. Love,
Sa dalawa at kalahating taong relasyon namin ng boyfriend kong si Daniel, nakakatiyak akong mahal niya ako at ganon din naman ang estado niya sa puso ko. Kaya nga napapanay ang pagÂlalambing ko sa kanya na magpakasal na kami. Pero hindi ko po inaasahan ang reaksiyon niya rito.
Hindi po niya diretsahang sinabing maghiÂwalay na kami, ang sabi niya’y pwede na akong makipagkilala sa iba at maghanap ng mas karapat-dapat na maging boyfriend.
Ang dahilan niya ay wala raw siyang maipapangakong commitment sa akin sa mga susunod na taon para maiharap ako sa altar. Wala raw siyang sapat na kakayahan.
Sinabi niya rin na hindi niya kayang humarap sa aking pamilya dahil siya’y isang-kahig, isang-tuka lamang. Hindi niya raw maibibigay ang kinaÂgisnan kong buhay at ayaw niya naman na danasin ko ang mahirap niyang kalagayan.
Tinanong ko siya kung may iba na siyang mahal, wala raw siyang ibang nililigawan, lalo na ang girlfriend maliban sa akin. Mahal niya raw ako at gusto niyang ibigay ang pagkakataon para makahanap ako ng mas karapat-dapat para sa akin.
Usisain ko rin daw ang aking kalooban kung matatagalan ko pa ang relasyon namin, na paÂwang nakabitin ang mga pangarap.
Pero hindi ko po matanggap na isusuko na niya ang pagmamahalan namin. Paano ko po kaya mapagbabago ang isip ni Daniel?
Thank you in advance sa inyong payo.
Gumagalang.
Minda
Dear Minda,
Mas mabuting bigyan n’yo muna ng ilang araw o kaya’y linggo ang isa’t isa para makapag-isip ng mabuti at mapag-aralan ang inyong damdamin. Pagkaraan nito at natitiyak mo na nakahanda kang manatili sa sitwasyon ng inyong relasyon, balikan mo ang boyfriend mo at sabihin sa kanya ang tungkol dito. Sa magiging reaksiyon niya makukumpirma mo kung na-miss ka rin niya at na-realize na hindi niya kayang mawala ka.
DR. LOVE
- Latest