Malamig na si Mister
Dear Dr. Love,
Ipinaabot ko sa iyo ang isang pinagpalang pagbati. Tawagin mo na lang akong Beth, 41 anyos at may 15-taon mo na akong fan sa column na Dr. Love.
Ang problema ko ay ang aking mister na dati’y malambing sa akin pero nitong nakalipas na 2 taon ay kinakitaan ko na siya ng panlalamig.
Kapag dumating galing sa opisina ay matutulog na lang at pagka-gising ay nagmamaÂdaÂling mag-breakfast, maligo, magbihis at papasok sa opisina.
Wala kaming panahong mag-bonding dahil isang araw lang ang day off niya at buong araw ay natutulog pa siya.
Ang panganay namin ay 15-anyos na at ang bunso ay walong taong gulang. Naaalala ko ang maganda naming pangarap para sa aming pamilya na tila nawalan na ng alab.
Mayroon kaya siyang kinahuhumalingang iba? Natatakot akong magtanong, Dr. Love. Tulungan mo ako.
Beth
Dear Beth,
Natatakot kang magtanong dahil baka maÂlaman mo ang masakit na katotohanan? Pero walang ibang paraan kundi buksan ninyo ang communications line ninyong dalawa.
Mahalaga iyan sa pagsasama ng mag-asawa para malaman ninyo ang inyong mga depektong dapat ituwid.
Maraming dahilan kung bakit nanlalamig ang lalaki. Isa na nga ‘yung kinatatakutan mo na baka mayroon siyang iba.
Pero bago ka mag-isip nang ganyan ay may ibang dahilan kung bakit nagkakaÂganyan ang iyong mister. Puwedeng problema sa trabaho na dapat mo ring malaman dahil ang mag-asawa ay dapat nagdadamayan at walang itinatago sa isa’t isa.
Dr. Love
- Latest