Mahilig mangutang ang boyfriend
Dear Dr. Love,
Noong una, nauunawaan ko kung bakit kaÂilangang maghati kami ni Franco sa pagbabayad kung kami’y lumalabas manood ng sine at magdi-dinner.
Pareho lang naman kaming karaniwang empleyado ng boyfriend ko at para hindi kami kapusin sa lingguhang budget, nagkasundo kami na magkanya-kanyang bayad sa kaÂinan at bayad sa taxi kung kami ay lumalabas. Para din naman anya ito sa aming kapakanan dahil kailangan naming makaipon para sa aming kasal.
Pero nagsimula akong magkaroon ng hindi magandang kaisipan sa aking nobyo pagdating sa pera nang minsang magyaya siyang mag-overnight sa isang hotel at siya raw ang gagastos dahil may natanggap siyang bonus o umento sa trabaho.
Ngayon lang nangyari ang ganito, Dr. Love pagkaraan ng dalawang taon naming relasÂyon. Pero nang dumating ang pagbabayad ng bill, biglang sinabi ni Franco na kulang ang dala niyang pera at uutang muna siya sa akin. Buti na lang at mayroon akong ekstrang pera kaya pinautang ko siya.
Nasundan pa ito ng mga madadramang tagpo, Dr. Love na ang ending ay uutangan niya ako na wala nang bayaran. Tinanong ko ang kaibigan ko kung ok lang ang ganoong sitwasyon, sinabi niyang inuutakan lang ako ni Franco. Eventually, na-realize ko na tama ang kaibigan ko.
Ipinanlamig ko po ang tungkol sa bagay na iyon sa aming relasyon. Nahahalata na rin siguro ni Franco na kapag nag-aaya siya ay umiiwas ako. Dapat ko na ba siyang kalasan, Dr. Love?
Salamat po at more power.
Gumagalang,
Thelma
Dear Thelma,
Tama ang desisyon mo. Huwag mong aksaÂÂyahin ang panahon mo sa isang taong ginaÂgamit ang pakikipagrelasyon para makapanggulang ng kapwa. Wala kang dapat ipangÂhinayang sa ganyang klase ng lalaki. Marami ka pang makikilalang lalaki na magiÂging deserving para sa pagmamahal mo.
DR. LOVE
- Latest