^

Dr. Love

Inanakan ng kaibigan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Maligayang pagbati sa iyo at sana nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo ng letter ko, Dr. Love.

Itago mo na lang ako sa pangalang Hessie Anne, may kaibigan akong lalaki, tawagin na lang natin siya sa alyas na Charlito.

Ten years na kaming magkaibigan nang ma-in-love ako sa kanya, nagbunga po ito si Charles.

Nagtapat sa akin si Charlito na talagang wala siyang feelings para sa akin, bukod sa kaibigan. Sinabi pa niya na masyado raw akong childish hanggang isang umaga, nagising na lang kami ng aking anak na wala na ang kanyang ama.

Ni-good bye notes ay wala itong iniwan at hindi na nagparamdam pa sa aming mag-ina. Dr. Love, pagpayuhan po ninyo ako kung paano ko maibabalik sa amin ng aking anak ang kanyang ama. Ano po ang pwede kong gawin?

Makakapagtapos pa kaya ng pag-aaral si Charles pagkaraang maging broken family kami? Kahit po sana pagkakaibigan na lang ang bumalik, paano po kaya mangyayari iyon?

Maraming salamat po at hihintayin ko ang payo ninyo.

Sincerely yours,

Hessie Anne

Dear Hessie Anne,

Nakakalungkot isipin na masyadong sarado ang isip mo sa naging pagsasamantala sa iyo ng matagal mo pa man din naging kaibigan. Kung talaga tunay na kaibigan siya sa loob ng sampung taon, hindi siya magte-take advantage sa mga sandaling na-in love ka kamo sa kanya.

At ngayon ay parang bula na lang siyang mawawala, ganon lang kabilis.

Kung ako sa iyo ay huwag mo nang hangarin na bumalik ang ganyang klase ng lalaki sa buhay ninyong mag-ina. Gawin mong matibay na dahilan ang iyong anak para magsikap at mabuhay ng marangal. Sumandal ka sa Dios dahil Siyang tunay na magmamalasakit sa iyo at iyong anak. Maniwala at magtiwala ka lang sa Kanya. Kasama mo ako sa bawat panalangin na malampasan mo ang pagsubok na ito sa inyong buhay na mag-ina. God bless you.

DR. LOVE

 

ANO

CHARLITO

DEAR HESSIE ANNE

DIOS

DR. LOVE

GAWIN

HESSIE ANNE

ITAGO

LANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with