Umangat, bumagsak
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Marcial, may asawa at limang anak.
Nang magsama kami ng asawa ko ay nagsimula kaming maghirap. Namimili lang ako at nagbebenta ng bote at bakal.
Sa pagsisikap ko ay nagkapagpundar ako ng junk shop at doon nagsimulang lumago ang kabuhayan namin.
Gusto kong ibahagi ang aking kasaysayan para huwag akong pamarisan. Nang umasenso ang aking negosyo ay nakakapangontrata na ako ng mga bahay na dini-demolish na ang mga nakukuha roon na mapapakinabangan pa gaya ng lumang kahoy, at mga rehas na bakal ay naÂibebenta ko.
Naging milyonaryo ako sa negosyong ito pero nalulong ako sa masamang bisyo ng pagsu sugal sa casino. Ito ang umubos sa kabuÂhayan ko hanggang nagkasanla-sanla ang aking mga ari-arian. Ngayon ay nagsisisi ako at ang ikinabubuhay ng aking pamilya ay isang munting grocery store. Nagsisikap akong maibalik ang dati kong kayamanan pero hindi na yata mangyayari ‘yon.
Salamat sa pagpapaunlak mo sa aking liham.
Marcial
Dear Marcial,
Lagi namang wala sa una ang pagsisisi. Pero ang mahalaga’y nagsisi ka na at nagsisikap na maibangon ang inyong kabuhayan. Kaunting tiyaga lang at kung hindi mo na maabot ang dati mong katayuan, pasalamat ka sa Diyos na binigyan ka pa rin ng negosyong grocery na ikinabubuhay n’yo ngayon.
Sana’y huwag mo nang balikan ang dati mong bisyo dahil walang yumayaman sa sugal. Sa katotohanan, maraming mayaman ang namulubi dahil lubhang nasadlak sa masamang bisyong iyan.
Dr. Love
- Latest