Marriage for convenience
Dear Dr. Love,
It is my wish na nasa mabuti kang kalagayan sa pagtunghay mo sa sulat na ito.
Tawagin ko na lang akong Mariquit, 23-anyos at isang bank teller. Hiwalay ako sa asawa at nasa poder ko ang kaisa-isang anak namin na 5-anyos na.
Sa bangko ko nakilala si Mr. James (hindi tunay na pangalan) na isang negosyante at pinakamalaki ang nakalagak na pera sa aming banko.
Isa siyang Amerikano at nagkapalagayan kami ng loob bagama't ang edad niya ay 52-anyos na. Isa siyang diborsyado.
Very gentlemanly naman siya at madaling makapalagayang loob. Niligawan niya ako at kung sasagutin ko siya ay isasama ako at ang aking anak sa AmeÂrika. Medyo natutukso ako sa alok na ito dahil makatutulong ng malaki sa akin at sa aking anak at matutupad ang aking pangarap. Papayag ba ako sa alok na ito?
Mariquit
Dear Mariquit,
Kung ako ikaw, hindi ako papayag. Hindi ako naniniwala sa marriage for convenience. Marriage must always be linked to love otherwise ito ay magiging pag-alipusta sa isang sagradong institusyon.
Isa pa, annulled na ba ang kasal mo sa iyong asawa? Kung hindi, dadaan ka sa masalimuot na proseso na bukod sa magastos ay may katagalan. Baka maghabol din ng kostudiya sa inyong anak ang iyong asawa.
Medyo komplikado. Kung wala kang damdamin sa Amerikanong manliligaw mo, huwag mo na lang kagatin ang alok niya.
Dr. Love
- Latest