^

Dr. Love

Relasyong walang sigla

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nang mabalo ako, hindi kami nagkaroon ng aking asawa kahit isang anak. Pagkaraan po ng limang taon, nakilala ko si Lydia. Isa siyang dalagang ina, dalawa ang anak niya.

Dati ay mayroon siyang live-in partner pero iniwan siya nito matapos maanakan ng isang lalaki at isang babae.

Naakit ako kay Lydia, dahil kahit solo lang ay umunlad ang kanyang buhay sa pamamagitan ng buy and sell. Masipag si Lydia at hindi ko maunawaan kung bakit siya iniwan ng kanyang ka-live in.

Isa pa, natuwa at nabaitan ako sa kanyang mga anak. Nakagaanan ko sila agad ng loob dahil marahil sa uhaw sa pagmamahal ng isang ama, madali nila akong natanggap bilang adopted­ daddy.

Dahil ayaw ni Lydia na tumira sa aking bahay, ako ang lumipat sa kanyang town house. Noong una, dama ko ang kanyang pagmamahal pero nang lumaon, mistulang naging yelo ang aming­ pagsasama. Mas aktibo siya sa kanyang hanap buhay at kahit ang kanyang dalawang anak ay ipinagkakatiwala lang niya sa yaya.

Sa awa ko sa dalawang bata, nabuhos ang aking atensiyon sa kanila at sila man ay hulog na hulog na ang loob sa akin. Pero lumayo­ ang loob ko kay Lydia dahil hindi na siya ang dating­ mapagmahal at maasikasong asawa. Hindi­ na niya natutugunan ang panga­ngailangan ko bilang lalaki.

Tinapat ko si Lydia sa aking nararamdaman. Kung gusto­ ko na raw ang aking kalayaan, libre akong maghanap na ng iba na makatutugon sa aking kailangang romansa.

Handa na akong makipagkalas, Dr. Love.  Pero ang nakapag-aalala sa akin ay ang dalawang bata na nabuhos na ang loob sa akin. Ano po ang dapat kong gawin para maalis ang aking kargo de konsiyensiya?

Gumagalang,

Ador

Dear Ador,

Masasabing sa umpisa pa lang ay mababaw na ang pagtingin ninyo sa isa’t isa ni Lydia. Base sa sulat mo ay mukhang mas naging malalim pa ang pagmamahal mo sa kanyang mga anak.

Para sa akin, pinakamabuti na magsabi ka ng totoo sa mga anak ni Lydia tungkol sa lumalabong relasyon ninyo. Pero hindi ibig sabihin na magbabago na rin ang pagmamahal mo sa kanila. Maaaring magbigay ka ng number na pwede nilang ma-contact kung ma-miss ng mga bata. Samantala, manatili kayong magkaibigan ni Lydia.

Dr. Love  

vuukle comment

AKING

ANAK

DEAR ADOR

DR. LOVE

ISA

KANYANG

LYDIA

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with