^

Dr. Love

Mukhang siga-siga

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa munang mainit na pagbati sa iyo at sa milyon mong tagasubaybay. Tawagin mo na lang akong Boogey, 28-anyos at binata pa.

Siguro dahil sa hitsura ko ay napagkakamalan akong siga-siga, pero sa katotohanan ako ay isa sa mga pinakamabait sa aming community.

Aktibo nga ako sa aming homeowners lalo na kung meron kaming operation linis.

Ako ay nagtatrabaho sa isang customs broke­rage at minsan lang ako nagkaroon ng kasintahan pero nagpakasal sa iba.

May nililigawan ako ngayon pero mukhang mailap at natatakot sa akin. Tawagin mo na lang siyang Zeny. Hindi naman ako pangit pero sabi ng mga kaibigan ko, puwede akong kontrabida sa pelikula gaya nina Max Alvarado at Bomber Moran. Siguro raw ay natatakot ang aking nililigawan sa anyo ko.

Ano kaya ang gagawin ko para patunayan sa kanya na mabuti akong tao? Sana sa pamamagitan nang ilalathala mong column tungkol sa akin ay mapalambot ko ang kanyang puso at maniwala siyang ako’y mabait at tunay na nagmamahal sa kanya.

Boogey

Dear Boogey,

Kung mayroon kayong common friend ni Zeny, puwede mo sigurong pakiusapan na magsilbing “guarantor” sa kanya na ikaw ay mabuting tao.

Kasabay niyan ay gawin mo ang makalumang ginagawa ng mga nanunuyo tulad ng pagpapa­dala ng mga flowers o ano mang bagay na ka­lulugdan ng babae.

Kaibiganin mo muna siya at kapag nagkapalagayan na kayo ng loob, doon mo na lang gawin ang panliligaw. Siyempre may pagdududa siya sa pagkatao mo kaya lubos mo munang ipakilala ang iyong sarili sa kanya.

Dr. Love

AKO

BOMBER MORAN

BOOGEY

DEAR BOOGEY

DR. LOVE

MAX ALVARADO

SIGURO

TAWAGIN

ZENY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with