^

Dr. Love

Limang kasintahan, limang kabiguan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi and hello to you and your legion of rea­ders. Sana’y okay ka sa pagtanggap mo ng aking­ sulat.

Ikubli mo na lang ang aking pagkatao sa pangalang Lagrimas, 29 anyos. Lagrimas is a sad name dahil ang kahulugan nito ay luha.

Iyan talaga ang tingin ko sa aking sarili dahil­ sa lima kong naging kasintahan, lima rin ang aking kabiguan. Pare-pareho silang nagsa­la­wahan.

Ang pinakahuli sa kanila ay naanakan ako na ngayo’y pitong taong gulang na. Nag­ tatrabaho ako ngayon bilang OFW dito sa Hongkong at ang anak ko ay nasa pa­ngangalaga ng aking kapatid na may asawa at itinuturing na siyang tunay na anak dahil hindi sila pinalad na magka-anak.

Ngayo’y may nanliligaw sa akin dito sa Hong­kong na isang Pilipino. Tourist lang siyang nag­punta rito at nasa Pilipinas na siya ngayon pero tuloy ang komunikasyon namin. Hinihimok akong sagutin ko na siya at handa raw siyang magpakasal sa akin sa kabila ng aking nakaraan­.

Nararamdaman kong umiibig din ako sa kanya pero gusto kong supilin ang damda­ming ito. Ano ang gagawin ko Dr. Love?

Lagrimas

Dear Lagrimas,

May lumang kasabihan na higit na mabuti ang umibig at mabigo kaysa tuluyang hindi umibig.

Ang payo ko’y pag-aralan mo ang background at pag-uugali ng manliligaw mo nang sa gayo’y matantiya mo kung magiging ma­buti siyang ka­sintahan at asawa in the future.

Hindi mainam na ipipinid mo na ang pintuan ng puso mo. Buhay ka pa, bata at  may maganda pang kinabukasan na naghihintay.

Dr. Love

AKING

ANO

BUHAY

DEAR LAGRIMAS

DR. LOVE

HINIHIMOK

LAGRIMAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with