Maramot na ate
Dear Dr. Love,
Lima kaming magkakapatid na ang taÂnging nagtataguyod ay ang pagiging janitor ni tatay sa aming paaralan sa community high school. Nakatapos kaming lahat sa high school dahil nagawang mahulugan ni tatay ang tuition, maÂliban kay ate na scholar dahil matalino.
Ito ang naging stepping stone ni ate para makaluwas ng Maynila at makahanap ng trabaho at makapag-aral sa gabi. Sa isang malayong kamag-anak siya nakikitira kung saan tumutulong din siya sa mga gawaing bahay.
Ang sabi ni tatay, hindi niya inaasahang makapagpadala ng pera si ate dahil alam niyang kulang pa sa gastos niya ang kinikita nito. Ang iba ko namang mga kapatid ay nagpabandying-bandying hanggang makaÂpag-asawa ng maaga.
Nasa 18-anyos ako noon nang katu-kaÂtulong ni nanay sa paglalabada. Hanggang sa magkasakit si tatay at maospital. Si ate noon ay tapos na ng commerce at pinalad na makapasok sa bangko sa tulong ng isang kaibigan. Ipinaabot ko kay ate ang kalagayan ni tatay, sa paniniwalang pagkakataon na para makaalala siya sa pamilya.
Pero malaking pagkakamali ang pagtaÂtanim ko ng hinanakit kay ate. Siya ang bumaÂlikat ng lahat. Kinagalitan pa niya ako kung bakit hindi ko agad pinaalam ang pagkakasakit ni tatay. Wala raw kuwenta ang pagsisikap niyang maÂkatapos, magkaroon ng maganda-gandang kita kung mawawala ang aming magulang.
Agad-agad ay umuwi si ate at noon ko nalaman na nagpapadala pala siya ng pera pero sinasabat ito ng kuya ko nang wala kaming kamalay-malay. Si kuya rin ang nagtahi-tahi ng kwento tungkol sa amin at kay ate.
Matagal na panahon na po ang lumipas, Dr. Love. Magkasunod na yumao ang aming mga magulang. Kinuha ako ni ate at tinulungan na makakuha ng vocational course sa cosmeÂtology at pag-aayos ng buhok. May maliit na salon na po ako ngayon.
Si ate naman ay nakapag-asawa ng may kaya at lalong umunlad ang kanilang kabuhayan. Salamat sa inspirasyon ni ate sa buhay ko. Ang inakala ko noon na maramot na ate ay siyang huwaran ko sa aking buhay.
Sana po magsilbi itong inspirasyon sa maÂrami ninyong mambabasa.
Maraming salamat po at God bless you.
Didith
Dear Didith,
Makakaasa kang marami ang makakapulot ng magandang leksiyon sa liham mo na ito. Napapanahon pa rin ang mensaheng dala nito dahil sa problema ng kahirapan, kailangan simulan ang pagbabago sa sarili dahil hindi imposible ang umangat sa buhay.
Dr. Love
- Latest