Pustahan
Dear Dr. Love,
Ikubli mo na lang ako sa pangalang Pabling. Madalas kaming gumawa ng kalokohan ng mga friends ko.
Kapag may bagong babae sa aming subdivision, pinagpupustahan namin.
Ako at ang isang kabarkada pa namin ang naitokang manligaw kay Juliet, bagong lipat sa apartment sa aming lugar.
May twenty kaming magkatropa at para kaming manok na pinagpupustahan.
Ako ang sinagot ni Juliet pero ang nangyari ay na-in love talaga ako sa kanya.
Kailangang makita kami ng aking mga kabarkada na magka-akbay sa isang date.
Pero nang magyaya ako kay Juliet, bigla siyang tumawa at sinabing alam na niya nung una pa na pinagpupustahan lang namin siya kaya ang pagsagot niya sa akin ay kapilyahan lang niya.
Pareho pala kami ng barkada ko na sinagot kunwari niya.
Pinagtawanan tuloy kami ng mga kabarkada namin. Pero talagang in-love ako kay Juliet.
Ano gagawin ko?
Pabling
Dear Pabling,
Ang masasabi ko ay buti nga sa iyo. Serves you right.
Hindi dapat ginagawang biro ang panliligaw at dapat nang tumigil kayong magkakabarkada sa ganyang masamang estilo.
Marami namang bagay na puwedeng pagsugalan bakit kailangang paglaruan ninyo ang damdamin ng tao.
Mabuti na lang at matalas ang radar ng babaeng tinangka ninyong lokohin. Huwag n’yo nang ulitin iyan.
Dr. Love
- Latest