Kabit
Dear Dr. Love,
Isang pinagpalang araw. Tawagin mo na lang akong Sion, 32-anyos may dalawang anak at hiwalay sa asawa.
Mayroon akong ka-live-in ngayon. Tawagin mo na lang siyang Adolf na hiwalay din sa asawa.
Nakumbinsi ako ni Adolf na tumira sa kaniÂlang tahanan kasama ang kanyang tatay at ibang kapatid. Wala nang ina si Adolf.
Pero sa unang isang linggo ko pa lang sa kaÂnilang bahay ay napuna kong hindi ako welcome. Lagi akong dumaranas ng hindi magandang parinig at ni ayaw akong kausapin ng mga kapatid ni Adolf.
Nasabi ko sa sarili ko na mahirap maging isang kerida lang. Para akong sinisilaban sa bahay na ito dahil ramdam na ramdam kong hindi ako welcome.
Ano ang gagawin ko? Ayaw naman ni Adolf na bumukod kami dahil wala akong trabaho at maliit lang ang kita niya. Hindi raw namin kaya.
Sion
Dear Sion,
Kung ako ang tatanungin mo, ang maipapayo ko ay maghiwalay na kayo ni Adolf. Unang-una, hindi kayo kasal at kailan man ay hindi puwedeng ikasal dahil pareho kayong may asawa. Kahit pareho kayong hiwalay ay may bisa ang inyong kasal maliban na lang kung nagpa-annul kayo pareho.
Walang kahihinatnang mabuti ang pagsasama ninyo kaya bago lumala ang sitwasyon, makabubuting magkanya-kanya na kayo ng landas.
Dr. Love
- Latest