^

Dr. Love

Plano nang magka-baby

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tatlong taon na kaming kasal ni Ferdie pero wala pa sa plano naming magkaroon ng baby.

Ang dahilan, pinag-usapan namin na bubunuin muna namin ang pagtatayo ng sariling bahay sa loteng magkatuwang naming hinulugan noon pa mang magnobyo pa lang kami.

At sa taong papasok, matutupad na namin na makapagtayo ng isang bungalow sa katamta­mang laking lote na bayad na bayad na nang ika­sal kami. Sa sandaling mayari na ito, saka ko ititigil ang paggamit ng contraceptive.

Sumangguni ako sa isang mahusay na OB Gyne bago gumamit ng kontraseptibo. Wala namang aberiya sa aking kalusugan at actually, na­ging regular pa nga ang mens ko.­

Pero ang naging problema ay ang mister kong si Ferdie na sa edad na wala pang 35, nagkaroon ng diagnosis na isang dayabetiko.

Kaakibat ng diabetes ang pagkakaroon ng high blood. Kailangan niyang magkaroon ng maintenance na pampababa ng presyon. Sinabi ng doktor na ang matagal na paggamit ng gamot sa alta presyon ay magkakaroon ng problema sa pana­namlay ng kanyang pagnanasang seksuwal.

Bago mangyari ito, nagkasundo kaming magkaroon na ng baby kahit hindi pa naisasakatuparan ang pangarap naming sariling tahanan. Isang taon nang tumigil ako ng paggamit ng kontraseptibo pero hindi pa rin kami nakakabuo ng baby.

Kapwa kami nagpatingin sa doktor subalit pinayuhan lamang kami na maghintay. Ngayong gusto na naming magkaroon ng anak, saka pa naman tila mauudlot ang pangarap na ito.

Sa tingin po ninyo, puwede ba itong masabing karma? Ang ginawa ba naming pagpipigil na magkaanak agad ay maituturing na pagkakasala?
Payuhan mo po ako.

Gumagalang,

Ninita

Dear Ninita,

Nang magkasundo kayong planuhin ang inyong pamilya, wala naman kayong intensiyong lumabag ng anumang batas kundi ang hangarin lamang ay mapaghandaan muna ang pagkakaroon ng isang matatag na pamilya at magandang kinabukasan sa balak na maging mga supling.

Nataon nga lamang na nagkaroon ng karamdaman ang mister mo kaya’t bago magkaroon ng epekto sa kanyang kakayahang magkasupling ang medisina sa kanyang sakit, minabuti na ninyong magkaroon na ng baby.

Kung wala namang sinasabi ang manggagamot na hindi na nga kayo magkakaanak, wala ka­yong sukat ikabahala na binabawian lang kayo sa ginawa ninyong pagpaplano ng pamilya.

Hindi hopeless ang kaso ninyong mag-asawa. Mayroon ngang iba riyan na umaabot ng mara­ming taon bago makabuo ng anak.

Alisin ang takot sa isip na maaaring nakakahadlang rin sa pagkabuo ng baby.

Dr. Love

ALISIN

DEAR NINITA

DR. LOVE

FERDIE

GUMAGALANG

ISANG

KAAKIBAT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with