3 ang siyota

Dearest Dr. Love,

Wala akong ibang madudulugan ng problema­ ko sa puso kundi ikaw lang, Dr. Love. Hanga ako sa mga payo mo sa mga problemado sa puso na sumusulat sa iyo.

Tawagin mo na lang akong Jonah, 24 anyos­ at ang problema ko’y tatlo ang siyota ko na pare-pareho kong mahal.

Hindi sila nagkakaalaman. Ang alam ng bawat isa sa kanila ay siya lang ang girlfriend ko.

Wala akong masilip na pangit na katangian nila at bawat isa ay malapit sa puso ko at ayaw ‘kong mawala sa akin.

Ano ang dapat kong gawin?

Jonah

Dear Jonah,

Alam mo naman na isa lang ang dapat piliin­ sa larangan ng pag-ibig. Hindi mo naman ubrang pakasalan lahat ang mga iyan.

Nahihirapan kang magdesisyon pero wala kang magagawa kundi pumili lamang ng isa. Hindi ako puwedeng pumili para sa iyo.

Kung kagaya ng nasabi mo ay wala kang itulak kabigin sa kanila, daanin mo na lang sa draw-lots. Nakatatawa siguro ang suhestyon ko pero iyan ang pinaka-madaling remedyo.

Matutuwa ang isa at masasaktan ang dalawa pero iyan ay problemang pinasok mo, puwes­, lusutan mo.

Mas mabuting habang maaga ay maso­lu­ syunan mo ang problemang iyan.

Dr. Love

Show comments