Ibig iwanan ang ka-live-in

Dear Dr. Love,

Una’y bumabati ako sa inyo ng magandang araw. Tawagin n’yo na lang akong Merle, 25 anyos at isang housewife.

Limang taon na kaming nagsasama ng aking kalive-in at may isang anak.

Hindi perpekto ang kinakasama ko pero hindi naman ako sinasaktan. Ang tanging reklamo ko lang ay batugan.

May nanliligaw sa akin ngayon at nahuhulog ang loob ko. Mabait siya at tingin ko’y responsible.

Iniisip kong hiwalayan ang kinakasama ko dahil hindi naman kami kasal. Tama ba ang ga­gawin ko kung sakali?

Merle

Dear Merle,

‘Di man kayo kasal ay matagal kayong nagsama ng ka-live-in mo. Paano kaya niya tatanggapin kung hihiwalayan mo siya para sumama sa iba?

Mahirap iyan bagamat may karapatan kang iwan siya. Baka maging bayolente at kung saan humantong ang gagawin mong pagpapaalam.

Pakaisipin mong mabuti ang gagawin mo.

Dr. Love

Show comments