May asawa na ang minamahal

Dear Dr. Love,

 I am Claire, 27 years old. I wrote this letter to personally ask an advice from you, too. Way back months ago, I met a man from the internet. Call him Gentleman. Napaka-bait niyang tao, Dr. Love. Napaka-marespeto, magalang at higit sa lahat mapagmahal sa pamilya. Sa sandaling panahon nang aming pagkikita at pagkakasama sa mga mumunting lakad niya dito sa Manila ay mas lalo akong napamahal sa kanya. Matagal na rin po kasi kaming magkakilala dahil na rin sa madalas naming pag-uusap noon via internet nung siya’y nasa abroad pa.

 The fact is already given to me since the first time we talked -- and that is he is already a family man. At first Dr. Love, wala naman po talaga akong intensiyon na maging ganun kalapit sa kanya, coz in the first place, wala naman po akong planong manira ng isang masayang pamilya at pagsasama. Pero nagbago ang lahat nang makilala ko siya ng personal. Mas lalo po akong nahulog at na-inlove. Ngayon hindi ko na po alam ang gagawin ko pagkatapos ng mga nangyari sa aming dalawa. 

Alam ko po na mali ang ginawa ko. Pero hindi ko po kasi talaga mapigilan na mahulog sa kanya. Sa kanya ko po kasi naramdaman ‘yung totoong kahulugan ng salitang respeto, pagmamahal at pang-unawa. Inuulit ko po, wala po akong planong manira ng pamilya, pero hindi ko po alam kung paano ko po ititigil ang ganitong klase ng pagmamahal ko para sa kanya. Ayaw ko po masira ang magandang pagtingin ng asawa at mga anak niya sa kanya ng dahil lang po sa akin. Pero kagaya nga po ng sinabi ko sa inyo, hindi ko po alam kung paano ko ititigil ito.

Paano po ba ang magandang gawin? How can I stop? I am badly needing your advice. I am praying that I can start it as soon as possible bago pa po mahuli ang lahat.

Thank you po and more power. God bless.

Claire

Dear Claire,

Walang ibang makakasagot sa problema mo kundi ikaw. Kung alam mong mali, bakit ipagpapatuloy mo pa? Isipin mo na lang ang ganito: Ano ang mas matimbang sa iyo, ang Diyos o ang lalaking kinahuhumalingan mo? God must be our priority always. Maraming lalaki na malaya at walang ibang responsibilidad. Alam kong kung maghihintay ka lamang ay matatagpuan mo ang tamang lalaki sa buhay mo.

Dr. Love

Show comments