^

Dr. Love

Handang ibigay ang pangalan

-

Dear Dr. Love,

Labing-isang taon na po akong nagdurusa sa piitan. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nalilimutan si Angela na minahal ko nang tapat at handang ibigay ang aking pangalan para sa ipinagbubuntis niya sa sinapupunan.

Nakulong po ako dahil sa hindi ko sina­sad­yang pagkakapatay sa dating nobyo ni Angela at ama ng sanggol na ipinagbubuntis niya noon. Pitong buwan nang nagkasira sina Angela at dati niyang nobyo nang makilala ko siya at minahal.

Ang usapan namin, magpapakasal kami sa sandaling makapagsilang na siya. Pero na­un­siyami ang aming plano. Isang araw, nasa bahay ako ni Angela nang sugurin ng lasing na lalaking mayroong dalang baril. Pina­putukan niya ako pero nagmintis. Nilakasan ko ang aking loob at tangka ko sanang mahi­nahong kausapin siya para pakiusapan na bitiwan ang hawak niyang baril. Pero nagwala ang lasing at sa aming pag-aagawan sa baril, pumutok ito at bumagsak ang lasing.

Noon ko lang nabatid na siya pala ang dating nobyo ni Angela at ama ng kanyang dinadalang sanggol. Mabilis ang pagdating ng mga pulis at ako ay kanilang inaresto. Natalo ako sa kaso at pinagdurusahan ngayon ang aking nagawa. Naglahong bigla si Angela at ni hindi niya ako dinalaw sa piitan.

Sa ngayon po sinisikap kong magpakabuti, pinagsisisihan ko ang aking kamalian. Nag-aaral din ako dito sa loob para sa sandaling ma­kalaya na ako, mayroon akong kaalamang ma­pag­sisi­mulan sa pagtahak sa panibagong buhay.

Ang isang pabor ko po na hinihiling sa inyo, sana magkaroon ako ng mga kaibigan sa panu­lat para magsilbing inspirasyon ko sa aking pagbabagong-buhay.  

Maraming salamat po at hangad ko ang patuloy ninyong tagumpay.

Lubos na gumagalang,

Rico Alto

Student Dorm 231

MSC Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Rico,

Hinahangaan ko ang pagmamahal mo kay Angela. Dahil sa kabila nang kanyang kala­gayan ay naging tapat ang iyong layunin sa kanya. Sadya nga lang may mga pagkakataon na hindi kayang suklian ang pagtatanging ibini­bigay natin sa isang tao.

Isipin mo na lang na hindi kayo para sa isa’t isa ni Angela at sa mga darating na pag­ka­kataon, nakatitiyak ako na may nakalaan sa tapat na pag-ibig mo. Hangad ng pitak na ito na makahanap ka ng kaibigan na makakatulong sa iyo para mapatatag ang positibong pananaw mo para sa ganap na pagbabagong-buhay.

Lagi mong samahan ng panalangin ang iyong mga plano sa buhay para makamit ang tamang gabay. God bless you.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANGELA

CAMP SAMPAGUITA

DEAR RICO

DR. LOVE

MUNTINLUPA CITY

PARA

PERO

RICO ALTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with