^

Dr. Love

Ganap na pagbabago

-

Dear Dr. Love,

Merry Christmas po!

Isa po akong bilanggo sa pambansang piitan na puspusang gumagawa ngayon ng pagsisikap para gawing makabuluhan ang aking buhay pagkaraang makulong dahil sa hindi mabuting barkada.

Pagtutulak ng droga ang kaso ko. Nagka­mali po ako nang hayaan sunggaban ang tungkol dito para mapagbigyan ang mga kapritso ng nobya kong si Merlina. Pero napakasakit Dr. Love nang makulong ako ay nawala siya nang parang bula. Pati mga dating barkada na siyang gumanyak sa aking sumama sa kanila ay nawala na rin.

Sa edad na 27, alam kong magagawa ko pang baguhin ang aking buhay at matutong maghanap-buhay sa isang marangal na paraan. Nag-aaral po ako ngayon dito sa loob. Naghahangad pa rin ako ng matinong buhay. Naghahangad din ako na magkaroon ng maayos na pamilya at malulusog na anak. At higit sa lahat, makahanap ng babaeng siyang gagabay sa akin sa lahat kong aspi­ras­yon sa buhay.

Kaya nga po ngayong panahon ng pasko, wala akong ibang hangad kundi maging tuluy-tuloy ang magandang tinatakbo ng pagpapa­ilalim ko sa rehabilitasyon tungo sa pagpapa­kabuti. Hangad ko rin po na magkaroon ng mga kaibigan sa panulat.

Maraming salamat po at muli, maligayang pasko.

Gumagalang,

Jonathan Barredo Jr.

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Jonathan,

Nalulugod ako sa matiim mong hangarin na magbago. Hindi pa naman huli ang lahat para sa hangad mo na makatagpo ng babae na makakatuwang sa buhay. Sana hindi mawaglit sa iyo ang leksiyon ng karanasan mong ito at maging ganap ang iyong matuwid na pagbabago.

Hangad ng pitak na ito ang kaligayahan mo sa buhay.

Merry Christmas and Happy New Year sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

BUHAY

CAMP SAMPAGUITA

DEAR JONATHAN

DR. LOVE

HANGAD

JONATHAN BARREDO JR.

MERRY CHRISTMAS

MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR

MUNTINLUPA CITY

NAGHAHANGAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with