^

Dr. Love

Malamig na Pasko

-

Dear Dr. Love,

Advanced Merry Christmas sa iyo Dr. Love kasama ang iyong mga tagasubaybay.

Tawagin mo na lang akong Lolita, 40 anyos at hiwalay sa asawa. Mahal ko ang asawa ko pero naging abusado ako sa kanya. Alam kong mahal niya rin ako at noong una’y napaka-uliran niya. Lahat ng luho ko’y sinusunod niya. Bagong bahay, kotse, alahas.. lahat ay ibinibigay niya sa akin Anak-mayaman siya at isang negosyo ang ipinamahala sa kanya ng kanyang mga magulang.

Inabuso ko ang kanyang kabutihan. Nalulong ako sa casino hanggang sa magkabaon-baon ako sa utang. Pinagsabihan niya ako na maghinay-hinay sa paggastos pero hindi ko siya pinapansin dahil alam kong hindi niya ako maiiwan dahil mahal niya ako.

Hanggang matuklasan niya ang masama kong bisyo na pagsusugal. Iniwanan niya ako. Tatlong taon na kaming hindi nagkikita at dala niya ang aming dalawang anak na nagagalit din sa akin.

Sana’y mabasa niya ang sulat kong ito sa iyo para makarating sa kanya ang paghingi ko ng tawad at pangakong magbabago. Sana’y mabuo muli ang aming pamilya.

Lolita

 

Dear Lolita,

Kung sadyang nagsisisi ka at nangangakong magbabago, walang dahilan para hindi ka bigyan ng second chance ng mister mo.

Kasama mo ako sa panalangin na sana’y mabuong muli ang inyong pamilya. Minsan ay binibigyan tayo ng pagsubok ng Diyos lalo na kung may gusto Siyang alisin sa atin na mga bagay na hindi nakalulugod sa Kanya.

Dr. Love

vuukle comment

ADVANCED MERRY CHRISTMAS

AKO

ALAM

ANAK

DEAR LOLITA

DIYOS

DR. LOVE

LOLITA

NIYA

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with