^

Dr. Love

Nilayuan ng nobya

-

Dear Dr. Love,

Tubong Baguio City po ako at 25 years old. Ang intensiyon po ng sulat ko ay para mai-open ang kinahantungan ng aking love life at ang pag-asa na mabasa at malaman ng dati ‘kong nobya na mahal na mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat.

Nilayuan po ako ni Mary Ann nang malaman niya ang tungkol sa pagpatay ko. Nangyari po ito nang makarating sa akin ang ginawang pambabastos ng isang grupo ng mga kalalakihan sa kapatid ‘kong babae. 

Sinalubong ako ng suntok sa tangkang pagsawata sa kanila. Kaya sa galit ay kinuha ko ang baril sa bahay at pinagbabaril sila na isa-isang tumimbuwang. Nagtago ako matapos ang insidente. Pero dumating ang pagkainip at pana­nabik na makita ko si Mary Ann, kaya pinuntahan ko siya sa kanilang bahay para mangamusta­.

Dito na niya ako kinompronta kung bakit ako pumatay. Kasunod nito ang pagdating ng mga pulis at dinakip ako. Dinadalaw pa niya ako noong nasa city jail pa lang ako. Isang araw sinabi niya sa akin na hindi na kami magkikita dahil uuwi na siya ng probinsiya para doon mag-aral. At isa pa gusto na raw niya akong layuan.

Hindi ko akalain na gagawin ito sa akin ng aking girlfriend. Sa ngayon, patuloy ko pang iniinda ang paglayo ng aking nobya. Maraming salamat po at more power.

Gumagalang,

Jackson Danglay

4-B YRC Student Dormitory

MSC Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

 

Dear Jakcson,

Hindi masama na ipagtanggol ang kapatid na binabastos ng kalalakihan. Pero hindi naman dapat na pinairal mo ang init ng ulo mo para kumuha ka ng armas at pagbabarilin ang mga taong nambabastos sa kapatid mo.

May ibang paraan naman para sawatain ang grupong ito na ika mo ay nagpaulan sa iyo ng suntok. Hindi nga ba matatakot din sa iyo ang nobya mo dahil sa ginawa mong ito?

Ngayon ay pumapailalim ka sa rehabilitasyon sa bilangguan, pagbutihin mo at pagtikahan ang ginawa mo. Sana maunawaan mo rin ang ginawang paglimot sa iyo ng nobya mo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

CAMP SAMPAGUITA

DEAR JAKCSON

DR. LOVE

JACKSON DANGLAY

MARY ANN

MUNTINLUPA CITY

PERO

STUDENT DORMITORY

TUBONG BAGUIO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with