^

Dr. Love

Naghahanap ng right guy

-

Dear Dr. Love,

Hindi na po kailangan na ako’y hihingi ng payo sa’yo Dr. Love, nais ko lang ibahagi ang aking nakaraan tungkol sa aking love life at sana gayahin nila ako para hindi makasira ng pamilya.

Magdadalawang taong wala na kami kumunikasyon ni Gildo simula ng  nalaman ko ang tungkol sa buhay niya. Masyado po siyang masikreto Dr. Love at kailangan pa pala sa mismong mga kasamahan niya sa work ang magsabi para malaman ko na may asawa’t anak na siya. Kaya pala halos iniiwasan niya ako. Ang akala ko siya na ang lalaki na makakasama ko habang buhay pero nagkamali ako. Hindi ko na lang siya kinukompronta sa natuklasan ko. Kinukontrol ko ang aking sarili para hindi magpakamartir at lalo na ayaw kong agawin ang anak na naghahangad ng pagmamahal ng isang ama.

Nung nakaraang taon, nanliligaw sa akin si Paul, dahil crush ko siya ay agad ko siyang sinagot at para na rin tuluyang makalimutan ko si Gildo. Hindi nagtagal ang relasyon namin ni Paul. Nabisto ko siya sa text. Nagpalit ako na sim card at nalaman ko na marami siyang syota. Nakipag-break ako at sinabi ko na di kami bagay dahil mas matanda ako sa kanya ng limang taon. Hanggang magkaibigan na lang kami. Minsan sabi niya sa akin na ako lang daw ang babaeng gusto niyang pakasalan. Hindi po ako naniniwala dahil alam kong nagbibiro lang siya. Next year, graduating na siya sa kursong customs. Ang hiling ko lang sa Diyos na sana makapasa siya sa board exam.

 6 weeks na lang ay birhday ko na. Sa edad ko na 25 years old, kahit walang syota masaya pa rin ako at nakapag-move-on na ako dahil sa payo ng aking mga kaibigan.

Isang pabor lang ang hiling ko sa’yo Dr. Love, gusto ko pong magkaroon ng kaibigan sa facebook yung hindi manloloko at nagpapakatotoo sa sarili. [email protected]

God Bless!

Truly Yours,

Karen  

    

Dear Karen,

Hindi ka man humihingi ng payo, bayaan mong magbigay ako ng unsolicited advice. Ang puso ng tao’y madalas hindi mapananaligan. Kung minsan, makakita lang tayo ng isang guwapo o maganda, madali tayong mapa-ibig.

Huwag puro puso ang pairalin kundi ang isip din. Kila­laning mabuti ang manliligaw bago sagutin.

Buweno, gaya ng iyong hinihiling, inilalathala ko ang iyong email address at sana nga’y makatagpo ka ng isang lalaking magmamahal sa iyo ng totohanan.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BUWENO

DEAR KAREN

DR. LOVE

GILDO

GOD BLESS

LANG

SIYA

TRULY YOURS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with