^

Dr. Love

Di ako lab ng labs ko

-

Dear Dr. Love,

Isa po ako sa mga tagahanga niyo sa PSN at araw-araw ay nagbabasa po ako nito. Binabati ko po kayo ng isang magandang araw.

Matagal-tagal na din po akong gustong su­mulat sa inyo. Ngayon lang po ako nagkaroon nang lakas nang loob. At heto po ang problema ko.

Hindi ko po maintindihan ang sarili ko, may boyfriend po ako noong 2007, itago nalang po natin sa pangalang Mr. Gemini, minahal ko po siya nang lubos pero alam ko po ‘di niya ako minahal, wala po kaming personal break.

Meron po akong boyfriend ngayon, itago po natin sa pangalang Mr. Libra. Lahat po nang gusto ko ay kanyang binibigay. Alam ko po na mahal na mahal niya ako at kaya niyang­ isakri­pisyo ang buhay para sa akin.

Mahal ko naman po siya kaso mas mahal ko po ang aking ex-boyfriend na si Mr. Gemini.

Minsan po ako ay napapatawa kapag naa­alala ko siya at minsan nama’y naiiyak kapag aking naaalala ang mga bagay na isinakri­pisyo ko para sa kanya.

Dr. Love, mabigyan niyo po sana ako nang payo. Maraming salamat po at sana ay tu­magal pa po ang  inyong column.

Pagpalain po kayo ng Maykapal.

Lubos pong gumagalang,

Marikhit_23

Dear Marikhit,

May mga katotohanan sa buhay na gaano man kasakit ay dapat tanggapin. Mahal mo ang dating boyfriend mo pero hindi ka naman mahal. Paano iyan?

Heto naman ang bago mong boyfriend na hindi mo mahal pero mahal na mahal ka niya. Sabagay mahirap turuan ang puso. Pero hindi man puwedeng turuan, harapin mo ang katotohanang hindi ka na mahal ng taong mahal mo.

Hindi dapat huminto ang mundo sa pag-ikot dahil lamang sa isang taong ayaw ka nang mahalin.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAM

BINABATI

DEAR MARIKHIT

DR. LOVE

HETO

MAHAL

MR. GEMINI

MR. LIBRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with