^

Dr. Love

Secret mistress

-

Dear Dr. Love,

Lubhang maselan po ang problemang idudulog ko sa inyo kaya’t itago mo na lang ako sa pangalang Mildred.

Alam ko po na hindi ako mapapatawad ng aking kaibigan sa ginawa kong pagkakasala sa kanya. Maging ang sarili ko ay hindi ko matingnan sa salamin dahil ang nakikita ko ay anino ng isang babaeng may sungay, may buntot at may pangil.

Hindi ko maubos-maisip kung paano ko nagawang agawin ang pagtingin ng asawa ng aking kaibigan gayong siya ang tumulong sa akin para makapasok sa kumpanya ng kanyang asawa.

Hindi ko maamin na nainggit ako sa kapalaran ng kaibigan ko sa pagkakapangasawa ng isang mataas na pinuno ng kumpanya. Kaya inambisyon kong akitin siya at ngayon nga ay kerida na niya ako.

Pero Dr. Love, hindi ako masaya. Kahit ibinahay na ako at hindi na pinagtatrabaho dahil may dinadala na ako sa sinapupunan, hindi ko pa rin siya ganap na maangkin bilang asawa. Umaamot lang ako ng dalawang araw na pagbisita niya para alamin kung ano na ang kalagayan ko.

Natauhan po ako sa aking panaginip nang hayagang sinabi sa akin ni Willie na kahit pinatulan niya ako, dala lang iyon ng tukso at pangangailangan at hindi niya magagawang talikuran ang tunay niyang asawa at dalawang anak.

Hindi ko na nagawang magkunwari pa na maligaya ako kaya’t inamin ko sa aking mga magulang ang katotohanan na isa lang akong “secret mistress” ng boss ko at kapag nalaman ng kanyang asawa ang kataksilan ko, baka mademanda pa kami.

Pinayuhan nila ako na umalis na sa bahay na pinagdalhan sa akin ni Willie. Huwag ko na raw sa­bihin pa sa kanya kung saan ako pupunta at mag-interes pang magpasustento.

Tama po ba ang gagawin ko Dr. Love? Payuhan mo po ako. Sa pagkakataong ito, nais kong sundin ang payo ng aking mga magulang.

Gumagalang,

Mildred

Dear Mildred,

Ikaw na mismo ang umamin na malaki ang pagkakasala mo sa iyong kaibigan. Sundin mo ang payo ng iyong mga magulang. Masakit man, ibalik mo ang katinuan ng isip mo at respeto sa sarili bago mahuli ang lahat.

Hindi ka talaga liligaya kung mayroong lu­muluhang pamilya na inagawan mo ng asawa at ama. Darating din ang pagkakataon na kailangang humarap ka sa kaibigan mo at humingi ng patawad para matahimik ang iyong konsensiya. Goodluck.

DR. LOVE

vuukle comment

AKO

ALAM

ASAWA

DEAR MILDRED

DR. LOVE

GOODLUCK

GUMAGALANG

HUWAG

IKAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with