^

Dr. Love

Sakim na boyfriend

-

Dr. Love,

First time kong mapanood ang inyong webisode­. Maganda ang mga pinapayo n’yo.

Itago n’yo na lamang ako sa pangalang Mildred. Ako po ay  36 anyos, dalaga at may nobyo. Nagkataon na nagkaroon ako ng pagkakataong makapagtrabaho sa abroad sa tulong­ ng aking pinsang ofw din.

Ako ay bread winner at tanging inaasahan ng aking mga magulang. Pagkakataon din ito upang mabayaran din namin ang aming mga utang. Mula nang mabalitaan ng aking nobyo ito ay parang nanlamig na siya sa akin. Dapat ko pa ba siyang mahalin o intindihin.

Naguguluhan ako. Please advise.

Thanks and more power.

Mildred

 

Dear Mildred,

Sa pagkaintindi ko sa iyo, nanlamig ang boyfriend mo dahil nalaman niyang tumutulong ka sa iyong mga magulang.

Heto lang ang sasabihin ko: Wala siyang kuwentang lalaki at baka kapag nakatuluyan mo siya ay rendahan ka niya.

Iyan ang payo ko base sa mga isiniwalat mo tungkol sa kanya. Pero dahil ikaw ang siyota niya, ikaw lang ang puwedeng mag-evaluate sa kanyang ugali.

Timbangin mo ang iyong damdamin at kung may nadarama ka mang pag-ibig, huwag lang puso ang pairalin kundi pati isip.

Dr. Love

vuukle comment

DAPAT

DEAR MILDRED

DR. LOVE

HETO

ITAGO

IYAN

MAGANDA

MULA

NAGKATAON

NAGUGULUHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with