^

Dr. Love

Dalawa ang boyfriend

-

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang po ako sa alias na Ex-Factor, taga Cavite at nagtatrabaho sa isang government company. Dalaga pa po ako sa edad na 24.

Gusto ko po sanang ilapit sa inyo ang problema ko. May dalawang boyfriend po ako. Apat na taon na po kami ng una, sa isang okasyon naman nagtapat sa akin ang pangalawa. Kum­pare ko po siya sa bunsong anak niya. Pareho ko po silang katrabaho.

Minsan naipagtapat ko po sa first boyfriend ko ang pangungulit ng pangalawa pero pareho nilang hindi alam na dalawa sila sa buhay ko. Pareho ko po silang mahal.

Gusto ko na po makisama at magkaroon kami ng anak ng first boyfriend ko kapag naging­ regular na siya sa trabaho. Habang nahulog na po ng tuluyan ang loob ko sa kumpare ko.

Sana po matulungan ninyo akong magde­sisyon. Salamat po.

Ex-Factor

Dear Ex-Factor,

Pasensya ka na pero hindi ko malaman kung nasa katinuan ang isip mo. Dalawa ang boyfriend mo na parehong kasamahan mo sa opisina at ang isa’y may asawa at kumpare mo pa.

Siguro kahit hindi ka sumulat sa akin ay alam mo na ang ipapayo ko sa iyo. At kahit kaninong counselor ka sumangguni, tiyak ang sasabihin nila’y maglubay ka sa kalokohan mo.

Ipagpaumanhin mo kung marahas at masakit ang salita ko pero gusto kitang saktan dahil palso, palyado at karumaldumal ang ginagawa mo. Ang tinitiyak ko, walang kaayusan ang buhay mo at kinabukasan kapag hindi ka nagbago at nagpakatino.

Dr. Love

APAT

CAVITE

DALAWA

DEAR EX-FACTOR

DR. LOVE

EX-FACTOR

HABANG

IPAGPAUMANHIN

KUM

PAREHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with