^

Dr. Love

Para sa kapatid

-

Dear Dr. Love,

Ako po ay sumusulat in behalf of my sister.

Mahal na mahal ko po ang sister ko at gusto ko siyang maging masaya. She’s in mid 30’s na pero still single pa rin.

Ever since siya na po ang sumusuporta sa mother ko mula noong mamatay ‘yung father ko. Lahat kaming mga kapatid niya ay puro married na.

Sometimes nakikita ko siyang malungkot at gusto na rin namin siyang mag-asawa kaso po palagi siyang bigo sa love.

Kaya sumulat po ako sa column ninyo para po makahanap ng partner sa buhay ang sister ko. Sobra po siyang mabait (kaya palaging naloloko), relihiyosa, maalaga. Sana po mailathala ito para po sa sister ko.

Please sumulat lang po ang mga guys na single at ‘yung walang sabit kasi deserve naman po ng sister ko ‘yung single at walang pananagutan sa buhay.

Umaasa po ako na matutugunan itong liham ko sa inyo. Mag-email lang sa [email protected] para sa kapatid ko.

Izza

 

Dear Izza,

Wala ka mang masyadong detalye tungkol sa kapatid mo, nagtataka ako kung bakit lagi siyang bigo sa pag-ibig gayung ayon sa pag­lalarawan mo’y ideal woman siya. Mabait, may takot sa Dios at maalaga.

Anyway, mayroon sigurong taong isinisilang na ganoon ang kapalaran. Pero naniniwala ako na maiiwasan iyan kung magiging matalino lang ang babae.

Buweno, inilalathala ko ang kanyang email address sa pag-asang makahanap siya ng isang ideal partner.

Dr. Love

Para sa mga interesado kay Gea, maaari siyang i-email sa [email protected].

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

BUWENO

DEAR IZZA

DIOS

DR. LOVE

GEA

LIBANGAN SECTION

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

SIYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with