^

Dr. Love

Broken Family

-

Dear Dr. Love

Magandang araw sa inyo, isa po ako sa mga biktima ng broken family. 26yrs old na ko at may asawa. Lagi kong iniisip kung bakit naghiwalay ang aking mga magulang.

Walang umaamin sa pagkakamali nila. Para sa tatay ko si nanay ang mali para naman sa nanay ko si tatay ang mali. Ang hirap lang po sa mga magulang na naghiwalay, hindi nila naiisip na hindi sila ang naaapektuhan kundi ang mga anak nila.

Nangangamba ako na baka mangyari rin sa akin ang nangyari sa mga magulang ko pati din po ang lola at lolo ko sa mother side ay hiwalay din. Marami po ang nagsasabi na kung anong puno ay siyang bunga. Ang isa sa mga Sam­pung Utos ng Diyos na huwag makikiapid, ang nakikita kong ugat ng mga nangyayari sa pamilya ko.

Sa ngayon po maayos ang pamumuhay namin ng mahal kong asawa. Ano po ba ang pwede kong gawin kung totoo man na may sumpa at parusa ang mga kasalanan na ginawa ng mga magulang ko at mula pa sa mga ninuno ko.

Hiling ko na wala na sanang mag-asawa pa ang maghiwalay sa mundo dahil kawawa ang mga anak na laging naghahanap ng pamilya at hindi ang mga magulang na matataas ang pride sa bawat isa.

Rhowelle M. Tibay

Mechanical Engineer

[email protected]

www.hadeem.com

Dear Rhowelle,

Naniniwala akong hindi ka mahahanay sa mga pamilyang nawasak dahil sa hindi pagkaka­unawaan ng mag-asawa. Nasabi ko ito dahil ikaw mismo ang nagdarasal na huwag na sanang magkaroon pa ng broken families sa ating lipunan.

Totoo ang sinabi mo, na ang mga anak ang unang nadadamay sa ganyang problema. Ma­buti na lang at binigyan ka ng Diyos ng wastong pag-iisip para huwag pamarisan ang nangyari sa iyong sariling mga magulang.

Walang pag-aasawang perpekto. Marriage is a union of two imperfect persons na dahil sa pag-ibig ay pinupunuan ang kakulangan ng bawat isa.

Habang naririyan ang pag-ibig at katapatan sa isa’t isa, ang mag-asawa’y laging magiging ma­pang-unawa sa bawat isa.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

DEAR RHOWELLE

DIYOS

DR. LOVE

ISA

MECHANICAL ENGINEER

PORT AREA

RAILROAD STS

RHOWELLE M

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with