^

Dr. Love

Swerte maliban sa pag-ibig

-

Dear Dr. Love,

Warm greetings to you and everybody there at PSN.

Ako po si Efren Rentillosa, 29 years old, tubong Cebu City na ngayon ay nakapiit sa Pambansang Bilangguan.

Wala akong nagisnang ama at lumaki sa piling ng aking lolo at lola dahil nag-abroad ang aking ina.

Naging maayos ang lahat sa aking paglaki, na­pagtapos ako sa sariling pag-sisikap at naka­katu­long na sa aking ina na may bago nang pamilya.

Subalit hindi umayon ang swerte nang ako’y mangarap magkapamilya.

Namatay ang aking asawa na si Agnes sa panganganak. Mabilis na lumipas ang kalahating taon, dumating naman sa buhay ko si Jinky. Masaya ang aming pagsasama hanggang sa dumating ang dagok, nagkakaso ako at nakulong.

Nawala ang lahat ng ipon ko dahil sa kaso pero natalo rin ako. Kaya nakakulong ngayon. Kasama ng nawalang kalayaan sa akin ay ang pag-iwan sa akin ni Jinky.. Hindi siya nakatagal sa hirap.

Mabuti na lang hindi ako sumuko, tumawag ako sa Panginoon at hindi naman Niya ako pina­bayaan. Naghihintay na lang ako ng aking paglaya.

Kahit naging sawi ako sa pag-ibig, ngayon ay umaasa pa rin akong makakatagpo ng isang katuwang sa buhay na handang dumamay sa akin for better or for worst.

Hanggang dito na lang po at more power to you.

Efren Rentillosa

Student Dorm 4-A

Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776

Dear Efren,

Marahil, ginising ka lang ng Panginoon. Maaari noong panahong wala kang problema, kampante ka lang at hindi mo siya naaalala.

Nang magbalik-loob ka sa kanya, muling itinuro niya sa iyo ang tamang direksyon ng buhay.

Makakatagpo ka rin ng babaeng magmamahal sa iyo ng lubos.

Good luck sa iyo sa muli mong pagbabalik sa lipunan. Sa ipinamalas mong attitude, maka­ka­bangon kang muli.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa psnlibangan@ philstar.net.ph.)

vuukle comment

AKO

CAMP SAMPAGUITA

CEBU CITY

DEAR EFREN

DR. LOVE

EFREN RENTILLOSA

JINKY

MAAARI

MUNTINLUPA CITY

PAMBANSANG BILANGGUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with