^

Dr. Love

First Love

-

Dear Dr. Love,

Isa pong mapagpalang araw ang ipinaaabot ko sa inyo, gayundin sa inyong mga mahal sa buhay.

Ako po ay isang bilanggo na nagnanais na maihinga ang aking sama ng loob. Dulot po ito nang pagtalikod sa akin ni Dina, ang aking first love. Nakilala, niligawan at naging girlfriend ko siya kahit nasa loob na ng selda. Isa siyang ofw na naka-penpal ko nang ipakilala sa akin ng isang kaibigan.

Sa simula pa lamang ay sinabi na sa akin ni Dina na tutol ang kanyang mga magulang sa pakikipagrelasyon sa akin. Noong una ay hindi niya ito alintana, subalit habang nagtatagal ay duma­dalang hanggang sa tuluyan nang naputol ang aming pagsusulatan. Marahil nadala na siya ng kanyang pamilya para ako ay talikuran.

Masamang-masama po ang loob ko, sana hindi na lang ako umasa.

Sana po, mailathala ninyo ang liham ko para maibsan ang kalungkutan ko. Wala na po ba talagang pag-asang lumigaya ang gaya kong bilanggo?

Thank you for this and may our Lord God bless you always.

Truly yours,

Daniel

Dear Daniel,

Huwag kang maghinanakit sa buhay. Isa lang iyang pagsubok sa iyo na magpapatatag sa iyo. Huwag kang makakalimot sa Diyos at sa Kanya mo ilapit ang sarili mo. Makakahanap ka rin ng ibang babae na tatanggapin ka bilang ikaw.

Ang unahin mo muna ang pagpapakabuti sa ilalim ng penal rehabilitation para mapababa ang sentensiya mo at maging kuwalipikado ka sa parole o kaya’y pardon.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa psnlibangan@ philstar.net.ph.)

vuukle comment

DEAR DANIEL

DINA

DIYOS

DR. LOVE

HUWAG

ISA

LORD GOD

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with