Para sa kanyang kaibigan
Dear Dr. Love,
Bumabati ako sa lahat ng staff ng PSN. Isa po ako sa masugid ninyong tagasubaybay at minsan nang humingi ng advice from you. Napakahusay ng advice ninyo and it really worked for me. Salamat po ng marami.
Ngayon ay gusto kong ikunsulta ang problema ng isa kong kaibigan. Tawagin na lang natin siyang Misty Eyes. Mayroon po siyang boyfriend. Tawagin na lang nating Karl. Almost three years na po ang kanilang engagement at niyayaya na ng kanyang boyfriend na magpakasal ang friend ko.
Kapwa sila nasa tamang edad na. Para kasing hindi pa sigurado sa kanyang sarili si Misty Eyes. May mga naririnig kasi siyang tsismis na Mama’s boy ang bf niya. Ano kaya ang dapat kong ipayo sa kanya?
Gertrude
Dear Gertrude
Ang masasabi ko ay ito, bakit sa tinagal-tagal ng kanilang engagement ay parang hindi pa nakatitiyak sa kanyang damdamin si babae?
Pero tama ang kanyang ginagawa. Kung hindi tiyak ang sarili, mas mabuting huwag magpakasal dahil baka magsisi sa bandang huli. Kaso kailangan na rin siyang magdesisyon dahil patuntong na siya sa pagiging old maid at the age of 29.
Kung nag-aalanganin siyang pakasal dahil sa sabi-sabi, medyo hindi tama iyan. Matuto siyang mag-imbestiga para malaman ang buong katotohanan hinggil sa kanyang bf.
Dr. Love
Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. -Dr. Love
- Latest
- Trending