Na-scam na ipon
Dear Dr. Love,
Ako po si Armin, 28 anyos. Three years ago, nagkasundo kaming mag-ipon ng girlfriend ko para sa aming kasal at para na rin sa kinabukasan namin. Ako ang pinagkatiwalaan niyang humawak ng pera at inilagak ko sa time deposit sa bangko. Umabot ito ng isa’t kalahating milyong piso last year. Pero nahikayat ako sa isang double your money scam dahil maraming kaibigan ang nagpatotoo sa akin na dumoble ang pera nila.
Sa unang dalawang buwan ay kumikita nga ang pera ko, pero sa pangalawang buwan ay wala na. Pati ang mga taong pasimuno ng panloloko ay ‘di ko na mahanap. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa girlfriend ko at baka sumpain ako.
Help me po. Ano gagawin ko?
Armin
Dear Armin,
Kailangang sabihin mo ito sa girlfriend mo dahil naglagak din siya ng perang pinaghirapan niya. Unfair kung hindi mo ipagtatapat. Sikapin mong mahanap ang mga personalidad na may kagagawan upang maisakdal sila. ‘Yung mga kaibigan mo na gumarantiya para makumbinsi kang mag-invest sa scam ay maaaring damay din sa ginawang panloloko.
Sikapin mo ring mahanap ang iba pang biktima upang makapagsampa kayo ng class suit.
Dr. Love
- Latest