Mr. Perfect ang hanap

Dear Dr. Love,

Sa wakas ay nakasulat din ako sa inyo Dr. Love - my favorite love advicer. Matagal ko na kasing ibig ikonsulta ang aking problema pero nahihiya ako.

Isa akong matandang dalaga. 32 anyos na at single pa rin dahil pihikan.

Tawagin mo na lang akong Roselle. Nag­karoon na ako ng dalawang boyfriend noong araw pero hindi sila nagtagal. Ako ang nakipag-break dahil laging may hindi nagugustuhan. ‘Yung una’y mahilig magkamot sa alanganing lugar ng katawan niya at ‘yung isa’y may bad odor at nginangatngat ang kuko.

Magmula noon, kinikilatis ko na ang mga nanliligaw sa akin at kapag may nakita akong hindi ko gusto sa kanila ay dinidispatsa ko na.

Saan kaya ako makakakita ng Mr. Perfect ng aking buhay?

Roselle

Dear Roselle,

Kung perfect na boyfriend ang hanap mo, wala kang makikita. Lahat ng tao, ikaw, ako at tayong lahat ay may kapintasan.

May kasabihan sa bible na “love covers a multitude of imperfections.” Ibig sabihin, kung may kapintasan man ang tao ay hindi na ito papansinin ng tunay na nagmamahal sa kanya - and vice versa.

Isa pa, kung talagang perpekto ang gusto mo, dapat perpekto ka rin. Kung natitiyak mong ikaw ay walang kapintasan which I doubt, sige mag­hanap ka ng taong makakatugma sa iyo. Hindi maganda ang ganyang asal kaya magbago ka na ng mindset or tumanda ka na lang na dalaga.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. -Dr. Love

Show comments