Sariwang damo, matandang kabayo

Dear Dr. Love,

Isa pong mainit na pagbati ang ipinaaabot ko sa inyo Dr. Love lakip ang pag-asa na nasa mabuti kayong kalagayan sa pagtanggap ng liham ko.

Sana’y maitampok mo ang sulat kong ito dahil kailangan ko ang iyong payo.

May ka-live-in partner ako na 19-anyos na magandang dalaga samantalang ako’y 68 anyos na.

Madalas akong tuksuhin ng mga ka-senior citizen ko. Para ko raw apo ang aking ka-live-in. Para daw akong matandang kabayo na mahilig sa sariwang damo.

Kung minsan ay napipikon ako pero nagtitimpi ako sa aking sarili. Kaso naiisip ko na baka dumating ang punto na hindi na ako makapagpigil sa sarili.

Sa tingin niyo ba’y mali ang ginagawa ko?

Lambert

Dear Lambert,

Ang sagot ko sa tanong mo ay “mali”. Kailanman ay hindi ko sinasang-ayunan ang live-in, anuman ang edad ng tao.

Importante ang kasal para ma­ging legal sa mata ng Dios at tao ang inyong pagsasama. Pero na­niniwala ako na hindi hadlang ang agwat sa edad ng dalawang magkasintahan basta’t tunay na nagmamahalan.

Pero sa kinakasama mo ngayon, nakasisiguro ka ba na mahal ka ng babae at hindi lang yung comfort na naibibigay mo sa kanya ang habol niya?

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Wor­kers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. -Dr. Love

Show comments