^

Dr. Love

Sumbat ng budhi

-

Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Harinawang nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo ng liham kong ito. Tawagin mo na lang akong Ramir, 30-anyos, at sa batang gulang na ito ay isa nang biyudo. Namatay sa panganganak ang misis ko at iyan ay isinisisi ko sa sarili ko. 

Kapag niyayaya ko siyang magtalik noon ay lagi siyang tumatanggi. Kaya dinaan ko siya sa dahas na naging dahilan ng kanyang pagbubuntis. Hindi ko alam kung bakit may phobia siya sa sex. Napakadalang ng aming pagniniig noon. Minsan isang buwan pilitan pa.

Kaya nang magdalantao siya ay natuwa sana ako. Pero nang magsilang siya, pareho silang namatay ng aming beybi.

Nang mangyari ito ay saka ko sinisi ang aking sarili. Kung hindi ako nagpumilit na makatalik ang misis ko, sana’y buhay pa siya hanggan ngayon.

Hindi mawala ang sumbat sa aking budhi kahit dalawang taon na siyang wala. Ano ang gagawin ko para mapanatag ang aking isip?

Ramir

 

Dear Ramir,

Mayroon ngang babaeng may phobia sa pakikipagtalik at sa tingin ko, ang kaso nila’y kailangan ng payo ng psychologist. Pero huli na ang lahat dahil wala na siya. Sana nung buhay pa siya’y nagpakonsulta na kayo sa propesyonal na makatutulong.

Anyway, huwag mong sisihin ang iyong sarili sa nangyari. Kung pumanaw silang mag-ina, yun ang nakatakda nilang kapalaran. May dahilan ang Diyos sa mga nangyayari sa ating buhay.

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.) –Dr. Love

ANO

DEAR RAMIR

DIYOS

DR. LOVE

HARINAWANG

KAYA

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PERO

RAMIR

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with