^

Dr. Love

Totohanin kaya ako ng boyfriend ko?

-

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Ako po ay isa sa marami ninyong tagasubaysabay ng inyong column. Naglakas-loob akong lumiham sa inyo dahil nais kong isangguni sa inyo ang problema ko sa boyfriend ko.

Tawagin na lang po ninyo akong Ms. Lonely Girl.  Sixteen years-old pa lang ako nang makilala ko ang boyfriend ko, si Boy, 25 years-old.

Bagaman nagsimula kami na maituturing na nene pa lang ako, hanggang ngayon naman ay kami pa rin ang mag-steady sa loob ng tatlong taon.

Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, naisanla ko na ang aking kapurihan. Kaya lang, ang hindi ko maunawaan ay kung bakit hanggang ngayon ay ni hindi pa niya ako maipakilala sa kanyang mga magulang.Matagal ko nang inaasam-asam na makilala ang kanyang parents.

Minsan sinabi ko sa kanya na isasama ko siya sa aming probinsya para makilala naman siya ng aking pamilya. Pero marami siyang dahilan. Kesyo, may trabao siya at busy siya sa iba pang bagay.

Mahal kaya ako ng boyfriend ko? Hindi kaya pinaglalaruan lang niya ako?

Dr. Love, mahal na mahal ko siya. Pangarap ko talaga  na siya ang maging husband ko at magsama kami habambuhay.

Ano po ba ang dapat kong gawin? Tulungan po ninyo ako sa aking problema.

Maraming salamat po at pagpalain kayo ng Maykapal.

Umaasa,

Ms. Lonely Girl

 

Dear Ms. Lonely Girl,

Tatlong taon na kayong magkasintahan at hanggang ngayon ay hindi mo pa alam kung mahal ka ng nobyo mo?

Dapat sana, bago mo isinanla sa kanya ang kapurihan mo, tiyak mong siya na nga at walang iba ang makakataling-puso mo at makakasama habambuhay.

Hindi naman isang kasiguruhan na kapag ipinakilala ka niya sa kanyang mga magulang ay  kayo na nga ang magkakatuluyan.

Marahil, hindi pa handang magpamilya ang boyfriend mo at naiilang siya sa kakukulit mo na isama ka niya sa kanilang tahanan.

Hayaan mong siya ang magkusa sa iyo na imbitahin ka niya sa kanilang bahay.

Darating din iyon. Iyan ay kung ipakikita mo sa kanya na matured na ang pag-iisip mo at hindi na alagain pa.

Huwag mong ipakita sa kanya na atat na atat ka na pakasal na kayo.

Ang proposal ng pagpapakasal ay sa lalaki nagmumula.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DR. LOVE

MS. LONELY GIRL

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with